Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘nanay’

Naniniwala ako na ang mga babae ay binigyan ng natatanging katalinuhan. Binigyan ng sapat na kakayahan na magdesisyon ng maayos at binigyan ng maayos na pag-iisip para tumimbang ng tama o mali… ng dapat at kailangan.

Babae.

Madaling sabihan. Masarap banggitin. Babae ako at ipinagmamalaki ako na kaisa ako sa kanila. Ang mga babae ano man ang estado sa buhay ay magaling, maunawain at laging mapakikinabangan ngunit minsan nasisira ang landas at disposisyon sa buhay ng dahil sa isang bagay… pag-ibig!

Ang babae, matalino man raw at nakapag-aral ng sapat o higit pa sa inaasahan ay lalambot ang tuhod ng dahil sa pag-ibig. Nanghihina, nagwawala, natatakot… ng dahil sa isang bagay… pag-ibig!

Ang babae ay matapang, sinusuong ang lahat, walang inuurungan ngunit pag umibig, lahat kayang iwanan. Wagas magmahal, totoo at walang pag-aalinlangan. Isang katangiang nagbibigay kahulugan sa buhay ng babae, bagay na marahil ay nagpapalambot at nagpapaamo sa kanya, nagpapalakas at nagbibigay inspirasyon ngunit ito rin ang minsan ay nagdadala sa isang babae para mawala sa landas at malimutang siya ay tao ring nasasaktan, nanghihintay ng kalinga at higit sa lahat, dapat pahalagahan.

Babae.

Read Full Post »