Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘Real Property of Friends feedback’

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong mas nanaisin pa munang mapagalitan at pagtaasan ng boses bago gumawa ng tama at intindihan ang sinasabi mo. Ayoko ng sinisigawan kaya nararapat lamang na huwag ko itong gawin sa aking kapwa. Halos maging isang libro na ata ang aking email sa kanila ngunit wala pa ring nangyayari. Paulit-ulit ng paulit-ulit. Ang pisi ng aking pasensya ay umabot na sa Europa ngunit nais pa ata nilang sagarin hanggang sa kalawakan… hanggang sa kawalan.

Nagmatigas na ako at sinabing mauubos ang oras nila at hindi ako aalis hangga’t walang kasunduang nagaganap. Gusto nila kaming pabalikin muli, paghintayin at paasahin ngunit sa tatlong taong aking paghihintay, siguro naman karapatan ko ng humingi ng ilang oras sa kanila para kami’y asikasuhin. Sa wakas, binigay rin sa amin ang Letter of Acceptance at nagkasundo na kailangan matapos ang aming unit sa May 04. Hindi na sa Mayo 02 tulad ng pinangako noong 2nd inspection naming. Naisip namin na patas na ito kesa naman, panibagong lingo o buwan o marahil ay taon kaming maghihintay. Pinahintulutan din kaming tignan ito habang isinasaayos.

Kinabukasn, Abril 26, pumunta na kami sa Mandaluyong Main Office para kunin ang Authority to Move In o ATM. Pagkatapos nito kailangang bumalik sa Imus para magtungo sa Engineering Department para sa susi. Sa Main Office, ang nagngangalang Jaymee ang umasikaso sa amin. Ayaw ibigay an gaming ATM sa kadahilanang kailangan pa raw naming magpasa ng mga identification cards (ID’s) at bagong ITR. Nakakapang-init ng ulo!

Una, dahil sabi ni Jaymee, nanghihingi raw ang bangko. Kausap naming ang Metrobank noong Abril 02 sa main office para pumirma ng Letter of Guarantee, pinaghintay kami doon para i-check lahat ng dokumento. Lahat ay wala ng problema, wala sa aming hiningi tapos ngayon kung kalian kukunin na naming ang Authority to Move In, manghihingi sila ng kung anu-ano?

Pangalawa, lahat naipasa na namin at hindi naming kasalanan kung mawala nila ito. Hindi rin namin kasalanan na 2013 lang naaprubahan ang aming loan dahil ibinigay nila sa iba ang aming orihinal na unit na wala naming pahintulot.

Pangatlo, ang layo ng pinanggalingan naming para pabalikin muli nila para sa dokumentong naibigay na.

At ang nakakainit pa ng ulo ng sabihin namin na hindi na kami makakabalik pa dahil may trabaho pa kami at kailangan na naming makuha ang ATM, ang sabi ba naman ni Jaymee “…kami rin may trabaho pa”.

Doon na todong nawala ang aming pasensya at humingi ng manager para kausapin. Gusto pa talaga nilang magwala ka at mag-init ang iyong ulo gaya ng sikat ng araw. At mas lalo pang nakakairita noong tumawag sila sa bangko, wala na raw problema ang aming dokumento at makalipas ang ilang oras na paghihintay, ibinigay din nila ang ATM na noon pa sana nila inasikaso.

Lunes, Abril 29 ng umaga, nagtungo kami sa Engineering Office sa Imus para kunin ang susi. Isang nagngangalang Dudes ang aming naabutan, nanduon din ang secretary/receptionist na si Lea at si Engr. Jorico Dahab. Maayos naman silang makitungo, inabutan namin ang mahabang pila ng mga nagrereklamo dahil sa pag-ulan ng malakas noong Sabado, lahat ng bahay, pinasok ng tubig. Naghintay kami ng kaunti at nalaman naming hindi pa raw na-endorso sa kanila ang susi ng aming unit. Bumalik kami sa CRG, wala si Melai, siya ang nag-asikaso sa amin noong Huwebes pero si Rhoda lang ang nandun, siya ang nakausap namin, hinanap ni Rhoda ang susi, tumawag kung kani-kanino, wala ang susi!!! Pagkalipas ng humigit kumulang isang oras, nasa kontraktor pa raw ang susi… at saan kamo kukuhain? Sa Rizal!

Nakuha rin naman namin ang susi ng aming bahay pagkatapos ng mahigit tatlong oras.

Read Full Post »

Kapag tinanong mo ang simpleng mamamayang Pilipino kung ano ang pangarap nila sa buhay, halos 90% nito ay magsasabi ng pinapangarap nilang magkaroon ng sariling bahay… tahanan na matatawag nilang kanila… tahanang magbibigay ligaya sa kanilang pamilya.

Sa Pilipinas, ang tahanan ay sagrado… pinapahalagahan, inaalagaan at ginagawang sangtuwaryo ng naagmamay-ari nito. Sino nga ba naman ang may ayaw na umuwi sa tahanang naghihintay ang pamilya? Tahanan. Sariling Tahanan. Kaysarap pakinggan.

Bagaman ako’y hindi simple at talaga namang napakakakaibang tao (sa madaling sabi, ako’y isang wirdo 🙂 hehe), isa sa mga pangarap ko ay magkaroon ng sariling tahanan para sa aking pamilya. Lumaki ako sa hindi marangyang pamumuhay ngunit may matatawag kaming tahanang sarili, hindi alintana ang liit at init sapagkat alam naming ito’y sa amin.

Nang makatapos sa pag-aaral, ako’y lumisan sa imang bahay, nangupahan at namuhay mag-isa… ang hirap pala. Masaya pero sa oras ng bayaraan sa bahay, nais kong magmura. Bakit nga ba ako nagbabayad sa tirahang hindi mapapasakin kailanman???

Marami akong sinuri at pinag-aralan at hindi ko mawari kung bakit napunta ako sa pagpili ng bahay na pagsisimulan sa Lancaster Estates na pagmamay-ari ng Profriends sa Cavite.

Magtatatlong taon na ang nakakaraan ng mangarap ako ng maganda at maayos na tahanan at kailanma’y hindi sumagi sa aking isip na mararanasan ang masalimuot na karanasan. Ang mga bagay na nakalista ay ilan lamang sa aking naranasan at ang lahat ng ito ay malinaw na nailahad na rin sa pamunuan ng Profriends.

Pangakong napako:
1. Itatayo na agad ang bahay pagkatapos ng panlimang bayad ng (installment) down payment. Ang maganda raw sa kompanyang ito, pera daw nila ang ginamit sa pagpapagawa at hindi hinihintay ang buyer na mabuo ang downpayment. Itatayo agad nila. (Panglima, pang-anim, pangpitong bayaran… wala pa ring haligi ang aming tahanan…)

2. Makakatira na sa bahay bago pa matapos ang pagbabayad ng down payment. (2013 na at nangunngupahan pa rin kami at naghihintay ng kanilang go-signal…)

3. Maaring magbayad ng hanggang dalawang taon para magaan sa bulsa ng buyer. (Hanggang 15 buwan lamang pala pwede ng mga panahon noon, mali ang impormasyong bigay sa amin…)

4. Mabilis at maayos sumagot ang officers and staff kaya hindi mahihirapan sa anumang katanungan at kung may problema mang kahaharapin. (Napakabagal ng kanilang responde, mapapagod ka sa kaka-dial ng telepono, aabutin ka ng 3 oras pag nagpunta ka sa opisina nila sa Mandaluyong at mabubulok ang email mo sa sent items bago makatanggap ng sagot…)

5. Mabilis ma-approve ang loan. (Lagpas isang taon ang aming hinintay…)

6. Maganda ang kalidad ng gamit sa paggawa ng bahay. (Kami’y nangungupahan ngaun sa isang bahay dito sa Lancaster… nangangamba akong ganito rin ang kalalabasan ng aking pinangarap na tahanan…)

Ilan lamang yan sa aming naranasan at marami pang mga susunod na kabanata, gusto ko muna kasing humupa ang aking nararamdaman tungkol sa kanila. Hanggat maari, gusto kong maging paatas ang lahat ng aking sinusulat. Nais kong maging tapat sa mga mambabasa at sa pamunuan ng Profriends.

Read Full Post »