Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘Meralco’

Hindi na ako nabigla sa aming nararanasan ngayong nakalipat na kami. Dahil nga tumira rin kami sa Lancaster Residences at nakipanayam ang ilang residente rito, alam na namang daranasin muli namin ang hindi magandang istraktura ng gawa nilang bahay at kagaya ng ibang residente, heto na naman kami sa Village Admin para paulit-ulit na makiusap na ayusin ang palpak na pagawa ng pinapangarap naming tahanan.

Una pa lamang, nabanggit ko na sa Inspection Officer na ayusin na ang waterproofing ng parehong kasilyas, ayusin ang tambol at mga lababo. Wala naman silang maisagot kundi oo. Naintindihan ko naman, dapat makita muna nilang sira bago ayusin. Nasabi namin iyon dahil iyon din ang mga bagay na naranasan namin sa Lancaster Residences. May mga nakausap din kaming mga kontraktor na yun ang karamihan sa kanilang inaayos at lahat raw yata ng bahay ay inaayos nila.

Unang araw pa lamang ng water meter namin, ang tambol na tumutulo na agad ang tumambad sa amin. Mahigit isang linggo rin bago nila ito magawan ng aksyon. Sinabi pa namin na paki check na lahat dahil ipapapintura namin ang loob ng bahay, hindi naman kasi nila pipinturahan ng maayos iyon pagkagawa nila. Ang siste, ikaw pa rin ang magluluwal ng pera. Magastos, sayang sa oras at hindi maganda sa pakiramdam dahil paulit-ulit mo silang pinakiusapan.

At ngayon ngang nakatira na mismo kami sa aming tahanan, marami pa kaming hindi magandang karanasan.

1. Tumulo ang tambol, umabot hanggang ibang bahagi ng kisame, hanggang sa labas ng pader ng bahay sumirit ang tubig. Dahil saan? Sa kasilyas na walang water proofing.

tubig galing kisame

tubig galing kisame

planggana para sa pansalo sa tubig galing kisame

planggana para sa pansalo sa tubig galing kisame

2. Hindi gumagana ang flush ng parehong kasilyas. Hindi rin tama ang pagta-tiles. Naiipon sa gilid ang tubig.

3. Barado ang mga drainage. Impossibleng kami ang nagbara noon, wala pang isang linggo kaming nakakalipat.

4. Tumutulo ang mga lababo, sa kasilyas at sa kusina. Hindi kasi maayos ang pagkakagawa. Kinabit lang pero walang pandikit.

5. Mahina ang tubig sa lababo ng kusina.

6. Hindi maayos-ayos na electric wiring. Tatlong linggo na ang nakakaraan ng magkaroon kami ng kuryente at tatlong linggo na rin mula ng nireport namin ang mga problema ukol dito at tatlong linggo na rin naka-pending ang mga isyung ito. Nagawa naman ang iba pero hindi pa rin matatawag na maayos na kasi kulang-kulang pa.

7. Ang sirang bangketa sa harapan namin na noong Abril ko pa nireklamo, wala pa ring aksyon. Delikado ito lalo na sa mga bata. Madaling sabihin na malawak ang bangketa at iwasan na lang dapat ang sirang pasilidad na iyon pero hindi iyon rason. Ang aksidente ay nangyayari parati. Isa pa, nagbabayad na kami ng HOA fee mula noong isang buwan. Benepisyo iyan ng isang miyembro.

Hindi ko alam kung may nakalimutan pa ako sa mga reklamo kong ito. Sana wala ng sumunod pa at maging maayos na lahat. Sa ngayon kasi ginagawa na ang dalawang kasilyas namin. Parehong hindi magamit ng tama, wala pa raw kasing available na tiles kaya naka pending pa at kailangan pa ng tubero para maiayos ang flush at mahinang tubig at sirang tubo sa lababo.

kasilyas 1

kasilyas 1

kasilyas 2

kasilyas 2

Read Full Post »