Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘makati’

Tulad nga ng sabi ko, matatalino na ang mga tao, matatalino na ang botante pero mas matatalino pa rin daw ang mga kandidato.

Hay, nakakabanas man pero totoo ata to. Napapansin mo ba sa Senado, parang napaka busy nila ngayon. Parang lahat sila ay may komento. Matagal na ang issue ni Sen. Manny Villar pero bakit ngayon lang masyadong nag-react ang kanilang mga katoto? dahil ba malapit na ang eleksyon? Dahil ba alam nilang malakas ang politikong ito? Pinapaikot at niloloko nila ang tao. Nagsisiraan sila ngayon at pilit (daw) nagpapakatao pero napakabulok na ng sistemang ito? Pero sino nga ba ang malinis? Sino nga ba ang dapat iboto? Sino nga ba ang totoo?

By the way, sinu-sino nga ba ang kakandidato? Ang pinakamainit nga pala ay ang posisyon sa pagka-pangulo. Kaya eto muna ang tanong ko…

Si Villar na ngayon ay may kaso sa Senado?

Si Roxas na pinaparatangang ginagamit si Korina dahil tatakbong Pangulo?

Si Chiz na kamukha raw ni Bamboo? (Aba baka mag-showbiz ka na rin ah…hehehe)

Si Binay na Makati ang gagawing kapital ng bansa?

O si Bayani na gustong maging pink at blue ang kulay ng bandera ng Pilipinas?

Pati ba si Kabayan na loyal daw sa pamahalaan?

Naku, pati ba si Erap na may pinirmahan ng kasulatan?

Ang hirap pang mag-conclude ngaun kase hindi pa naman opisyal at wala pang listahan pero alam natin kung sino ang may motibo at nagpapa-gwapo sa bayan. Mulat na tayo sa katotohanan na paglaruan ng mga ganyan. Pero ano nga ba ang ating magagawa kung boboto ka nga ng tama may maglilihis naman iyong balota sa ngalan ng pera.

Sana lahat tayo ay mamulat, mga politikong namumudmod ng pera ay babawi pag nakaupo na sila. Tayo rin ang magiging kawawa. Tayo na naman ang luluha at kakain ng tira-tirang isda.

Read Full Post »