Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘Ilog’

Marami ang nagtatanong sa akin- sa e-mail, sa text at sa blog. Kami po ay nakatira sa bungad lang, bago mag Leighton Hall at base sa aking karanasan hindi naman kami direktang naapektuhan ng baha. Wala pong baha sa loob ng Village, gatalampakan ang tubig na mabilis naman dumaloy sa drainage pero sa ibang parte ng Village, mas mataas po kasi hindi maganda ang pagkakagawa nila ng system. Sa isang kalye, mga anim hanggang walo lang ata ang butas para sa daluyan ng tubig (magkatapatan) kaya ang resulta, naioipon ang tubig sa gitna ng kalye kaya bumabaha at hindi makadaan ang maliliit na sasakyan. Dati, naireklamo ko na yan pero sabi nila magagawa na raw yan kapag may Officers na… Ang gandang kasagutan di ba? Kailangan pang maghintay ng botohan at dumami ang tao sa Village para lang maayos ang ganitong problema.

 

Nasa ibaba ang ilang larawan:

 

Agosto 19, 2013 sa Lancaster Village

 

 

 

Sira ang ilang gutter na ilang beses ko na ring inireklamo pero hanggang ngayon, wala pa ring tugon. Maghihintay muna sila siguro ng madidisgrasya, nakakalungkot mang isipin. Sa ika-apat na larawan, napakalalim nyan kaya kung hindi ka taga Village at madilim at malakas ang ulan at hindi mo napansin ang butas, talagang mapapahamak ka. Sira rin ang ilang poste ng ilaw kaya sa gabi, madilim. Inireklamo na rin ang tungkol doon ng isang kapitbahay namin pero hanggang ngayon, walang tugon :(.

 

Sa Lancaster Residences naman, umapaw ang ilog, narito ang mga larawan (Gate 2):

Ilog sa loob ng Lancaster Residences (Gate 2)

 

Mula Gate 2 Papasok ng Lancaster Residences

 

Mabilis namang humupa ang tubig ng huminto ang ulan. Ang Ilog na ito ay matatagpuan malapit sa Gate 2 ng Lancaster Residences.

 

Sa main road, hindi rin makadaan ang maliliit na sasakyan, pati nga ang sevice ay hindi bumyahe dahil sa tubig pero tulad nga rin ng ibang kalye, mabilis din itong nawala kahapunan ng Agosto 19.

 

Ang mga nangyari naman sa loob ng aming bahay ay iba namang istoryo at sa kasamaang palad, kinakailangan ko na namang muling magtungo sa Village Admin sa susunod na linggo para magreklamo :(.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read Full Post »