Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘Manila’

Mahilig ako sa litrato, larawan, kodakan, pitsur, kamera, potograpiya at ano pa mang may kinalaman dito.

Wala akong kamera. Ang kamera kong di-film pa ay sira na. Ang kamerang pinadala ng kapatid ko ay nangangamba pang makalas na. Ang cellphone kong may kamera ay nanakaw pa. Hay! Ang sarap ng buhay talaga :).

Mula pagkabata sa lahat ng okasyon may natatabi akong larawan bilang alaala. Minsan naroon ako, minsan mga kamag-anak o mga kaibigan o maging mga nakilala lamang na kung sino. Lahat ng iyon ay may isang dakot ng alaala- masaya man o may luhang kasama. Mahilig din akong kumuha ng larawan, mga bagay na simple at kakaiba, mga larawan ng taong nakasimangot o nakatawa, mga larawan ng taong kakilala o nadaan lang sa kalsada, kalikasang maganda o nasira na. Mayroon din akong mga larawang kinuha mula pagkabata hanggang sa pagkadalaga- binyag, kaarawan, bakasyon, outing, debut at kung anu-ano pa.

Ngayon ay wala na.

Lahat ng larawang iningatan at tinuring na yaman na nakatipon at laging dala-dala ay nabasa at naglaho na.

Ang mga bagay na kailanman ay hindi na maibabalik ay nasa alaala na lang talaga, wala ng maipapakitang larawang kayganda. Ano nga ba ang aking magagawa? Lubog sa tubig at putik ng madatnan ang mga larawang pinagka-ingat ingatan upang sana ay ibahagi sa susunod na henerasyon ng aking lahi.

Ngunit…

Wala na… wala na….

Sa lahat ng nawalang bagay sa aking buhay ng dahil sa bagyong nagdaan, hindi ko masukat ang panghihinayang na naramdaman sa mga larawan kong itinuturing kong yaman.

Wala na… wala na…

Ngunit wala na talaga akong magagawa kundi magpaalam sa mga bagay na nasira at nawala…

Korni man pero…

Paalam na mga litrato kong mahal!

Read Full Post »

Hindi ako kasali sa isa mang organisasyong pangkalikasan pero likas na marahil sa aking ang gawin ang aking tungkulin bilang tao na nilalalang ng Diyos na Siya ring may gawa ng mundo at ng nasa paligid natin.

Marami sa Pinoy ang maka-Diyos o relihiyoso o madasalin ngunit bakit madumi pa rin ang paligid. Tulad na lang tuwing Pista ng Quiapo, madaming dumadayong deboto. Bago ipagdiwang ang kapistahan, nililinis ang buong paligid ngunit matapos ang parada, pagtutulakan para mahawakan ang Poong Nazareno, pagmasdan ang paligid, mahigit isang toneladang basura ata ang makukuha ng mga tagapaglinis o mga basurero. Hindi lang sa QUiapo kundi sa iba’t ibang pista rin na ipinagdiriwang na ang layon ay magbigay pugay sa Diyos na naglalalng. Ngunit bakit ganon, hindi ba natin alam na maipapakita rin sa Panginoon ang pagmamahal natin sa Kanya ay sa pamamagitan din ng pagpapahalaga sa Kanyang Nilikha?

Isa pang, di nakakatuwang senaryo, sa telebisyon, nakakaawa man ang mga binaha, ngunit, nararapat din na maipamulat sa kanila ang kanilang kamalian na dapat hindi na nila ginagawa. Bumabawa dahil puro basura ang ilog sa lungsod, eh sino ang nagtatapon ng basura sa ilog? Ang mga taong nasa paligid din di ba? May karapatan tayong magreklamo ngunit dapat may obligasyon din tayong dapat gampanan sa ating bayan. And ‘di magandang ugaling ganyan ang lalong maglulugmok sa atin sa kahirapan at sa pagkasira ni Inang Kalikasan.

Sa karagatan, ang daming mangingisdang napapabalitang lalong ngahihirap dahil sa kawalan ng isdang mahuhuli pero kulang tayo sa kaalaman na nakakasira ng kanilang mga tahanan (coral reefs) at nakakamatay ng mga isda ang paggamit ng dinamita. Ang maliliit na isda na maari pang lumaki at makapangitlog sa karagatan upang mas dumami pa sila ay hinihuli rin imbes na ibalik sa karagatan.

Sa kabundukan na puro landslide, sila-sila rin ang pumuputol ng puno na nagiging daan upang mabuwag ang kanilang mga tahanan at sarili buhay.

Dahil sa kahirapan, yan ang ating dahilan ngunit iyan ay napakalayo sa katotohanana. An pangangalaga sa kalikasan ay hindi na nga dapat tinuturo pa sa eskwelahan, dapat likas na sa atin ang ugaling yan dahil tayo ay pinalaking maka-Diyos, may takot sa Diyos at madasalin.

Ang pagmamahal sa kalikasan at pangangalaga nito ay mag-uumpisa sa iyo at sa pagmamahal mo sa lahat ng nilalang ng ating Panginoon.

Read Full Post »