Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘sinungaling’

Hindi ko alam kung bakit may mga taong sanay magsinungaling. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila iniisip ang mararamdaman ng iba kapag sila’y nagsinungaling. Hindi ko mahinuha kung ano ang nakukuha nila sa pagsisinungaling. Sa madaling sabi, hindi ko kinakikitaan ng logic ang pagsisinungaling.

Sa buhay ng tao marami tayong makikilala at makakasalamuha. Mayroon tayong magugustuhan at bibigyan ng magandang puwang sa ating puso. Mayroon tayong iiwanan at mayroon ding mang-iiwan. Mayroon mananatili, mayroon ding kusang lilisan. Mayroon babalik at mayroon namang mananatili na lamang sa ating alaala. Sa lahat ng ating makakasama, may isang taong habang-buhay na espesyal sa atin at magkakaroon ng malaking bahagi sa ating mga puso. Ito ang taong labis mong pagkakatiwalaan at pag-aalayan ng buhay mo. Ito ang taong itinatangi mo at masakit mang isipin ito ang taong labis na nakakasakit sa iyo.

Aminin man natin o hindi, ang taong pinakamamahal mo ang siyang lubos na nakakasakit sayo. Bakit nga ba? Sa kadahilanang siya ang taong may pinakamalaking puwang sa puso mo, sa bawat maling nagagawa niya sayo, malaking bahagi ng puso mo ang nagdurugo. Pangalawa, ang mga expectations na hindi natutupad. Kapag labis mong mahal ang tao, marami kang gusto gawin at marami kang ipinapangako. Walang kang gudtong makita at maipadama sa kanya kundi ang the best ng lahat ng bagay. Mas malalalim ang sugat na ibinibigay ng taong ito kapag napako ang mga pangakong nakatatak na sa inyo. Pangatlo ay ang labis na tiwalang ibinigay mo.  Ang tiwalang akala mo ay sapat para tumbasan ng taong ito. Sa labis na tiwala, buong buhay mo ay kaya mong ialay. Walang desisyong hindi siya kasama, walang bagay na hindi siya ang una. Walang katulad ang tiwalang ibinibigay mo sa taong ito at sa huli pag ang tiwala ay nadungisan, mahirap ibalik ang ganda at kinang ng pagsasamahan.

Malaking bahagi ng relasyon ang katapatan. Ito ay kaagapay upang mapangalagaan ang malaking bahagi ng puso mo na inalay mo sa isang tao.  Sa tunay at seryosong relasyon, hindi pera o anumang bagay ang mhalaga kundi ang pagmamahal at tiwala. Sa totoo nga, hindi kung ano lang ang ini-expect mo kundi ang pagiging tapat ng taong ito at pagiging loyal nito. Pero may mga taong hindi maiwasang magsinungaling sa kung ano mang kadahilanan. Maniniwala ka ba na mahal ka niya kung ang pagsisinungaling sa mga bagay-bagay ay halata mo na? Masasabi mo bang tunay kang minamahal ng taong hindi kayang maging tapat? Ang simpleng pagsisinungaling ay hindi nakakatulong sa isang relasyon. Oo, ang hindi alam ng tao ay hindi makakasakit sa damdamin pero kung ito’y nalaman ng palihim sa ibang paraan, mas malallim ang sugat na pahihilumin.

Ano nga ba ang nakukuha sa pagsisinungaling? Walang iba kundi ang sakit ng damdamin ng taong nagmamahal at minamahal mo ng labis.

Read Full Post »