Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong mas nanaisin pa munang mapagalitan at pagtaasan ng boses bago gumawa ng tama at intindihan ang sinasabi mo. Ayoko ng sinisigawan kaya nararapat lamang na huwag ko itong gawin sa aking kapwa. Halos maging isang libro na ata ang aking email sa kanila ngunit wala pa ring nangyayari. Paulit-ulit ng paulit-ulit. Ang pisi ng aking pasensya ay umabot na sa Europa ngunit nais pa ata nilang sagarin hanggang sa kalawakan… hanggang sa kawalan.
Nagmatigas na ako at sinabing mauubos ang oras nila at hindi ako aalis hangga’t walang kasunduang nagaganap. Gusto nila kaming pabalikin muli, paghintayin at paasahin ngunit sa tatlong taong aking paghihintay, siguro naman karapatan ko ng humingi ng ilang oras sa kanila para kami’y asikasuhin. Sa wakas, binigay rin sa amin ang Letter of Acceptance at nagkasundo na kailangan matapos ang aming unit sa May 04. Hindi na sa Mayo 02 tulad ng pinangako noong 2nd inspection naming. Naisip namin na patas na ito kesa naman, panibagong lingo o buwan o marahil ay taon kaming maghihintay. Pinahintulutan din kaming tignan ito habang isinasaayos.
Kinabukasn, Abril 26, pumunta na kami sa Mandaluyong Main Office para kunin ang Authority to Move In o ATM. Pagkatapos nito kailangang bumalik sa Imus para magtungo sa Engineering Department para sa susi. Sa Main Office, ang nagngangalang Jaymee ang umasikaso sa amin. Ayaw ibigay an gaming ATM sa kadahilanang kailangan pa raw naming magpasa ng mga identification cards (ID’s) at bagong ITR. Nakakapang-init ng ulo!
Una, dahil sabi ni Jaymee, nanghihingi raw ang bangko. Kausap naming ang Metrobank noong Abril 02 sa main office para pumirma ng Letter of Guarantee, pinaghintay kami doon para i-check lahat ng dokumento. Lahat ay wala ng problema, wala sa aming hiningi tapos ngayon kung kalian kukunin na naming ang Authority to Move In, manghihingi sila ng kung anu-ano?
Pangalawa, lahat naipasa na namin at hindi naming kasalanan kung mawala nila ito. Hindi rin namin kasalanan na 2013 lang naaprubahan ang aming loan dahil ibinigay nila sa iba ang aming orihinal na unit na wala naming pahintulot.
Pangatlo, ang layo ng pinanggalingan naming para pabalikin muli nila para sa dokumentong naibigay na.
At ang nakakainit pa ng ulo ng sabihin namin na hindi na kami makakabalik pa dahil may trabaho pa kami at kailangan na naming makuha ang ATM, ang sabi ba naman ni Jaymee “…kami rin may trabaho pa”.
Doon na todong nawala ang aming pasensya at humingi ng manager para kausapin. Gusto pa talaga nilang magwala ka at mag-init ang iyong ulo gaya ng sikat ng araw. At mas lalo pang nakakairita noong tumawag sila sa bangko, wala na raw problema ang aming dokumento at makalipas ang ilang oras na paghihintay, ibinigay din nila ang ATM na noon pa sana nila inasikaso.
Lunes, Abril 29 ng umaga, nagtungo kami sa Engineering Office sa Imus para kunin ang susi. Isang nagngangalang Dudes ang aming naabutan, nanduon din ang secretary/receptionist na si Lea at si Engr. Jorico Dahab. Maayos naman silang makitungo, inabutan namin ang mahabang pila ng mga nagrereklamo dahil sa pag-ulan ng malakas noong Sabado, lahat ng bahay, pinasok ng tubig. Naghintay kami ng kaunti at nalaman naming hindi pa raw na-endorso sa kanila ang susi ng aming unit. Bumalik kami sa CRG, wala si Melai, siya ang nag-asikaso sa amin noong Huwebes pero si Rhoda lang ang nandun, siya ang nakausap namin, hinanap ni Rhoda ang susi, tumawag kung kani-kanino, wala ang susi!!! Pagkalipas ng humigit kumulang isang oras, nasa kontraktor pa raw ang susi… at saan kamo kukuhain? Sa Rizal!
Nakuha rin naman namin ang susi ng aming bahay pagkatapos ng mahigit tatlong oras.
Hello po…gusto ko lang po magtanong. Property owner din po ang tita sa Profriends. 2M na ang naibayad nia pero naging late ung mga huling payment nia dahil sa pagkakasakit sa abroad. Ngaun halos 2 months na lang ang balanse nia. Pero hindi pa din kami mapagbigyan sa request namin na mabigay ung ATMI. Merun po ba kami pde pa gawin? Halos sira na ang bahay. Puro lumot na ang mga kisame galing sa 2nd floor. Ninakaw na din dw ung cable ng kuryente. Baka merun po kau mai-papayo smin. Salamat.
talagang nkaka pissed off cla ganyan din ang karanasan ko, halos ilang taon nsept 2010 pa kmi panay balik balik hingi ng ganito hingi ng ganun, kami p may kasalanan kung bakit ang aming unit daw ay april lng last down pero s totoo ay january pa 2014 last dp,pero s kalokohan nila cla ang may kasalanan s u ibabagsak tapos ng magpapalit kmi ng unit kasi wala p clang maipakita kami pa din may kslanan,,,kapagod kalokah cla,,,d n dapat nirereccommend ang profriends lancaster n yan! sna bago man lng matapos ang 2014 n ika halos 4 years ng paghihintay namin eh mapasok n nmin unit nmin, plus deceiving p,, kasi s model house malaki ang harapan pero s totoo eh kalahati lng pala kaya if may sskyan ka, isasagad mo s pinto ng bahay mo bago mo maipark,,hay buhay!!!!!
Grabe…nde pala ko nagiisa, parehong pareho ang sentiments natin..un papupuntahin ka sa Main office nila na napakainconvenient puntahan, dala dala ung mga dokumento na pinapadala nila, tapos pagdating mo dun sasabihin na me additional pa na requirements!!! tapos ang ibibigay sa tin na bahay,puro substandard and materials…sana naisip naman nila na pinagpaguran natin ung pera na ibinabayad natin sa kanila..
Me alam ba kau kung pano magpull out? marerefund pa kaya un naibayad na?
check this site para malaman kung meron na License to Sell (LTS) ang village nyo sa Lancaster http://hlurb.gov.ph/online-inquiries/ .
Stressful din kami ni hubby, na-accept na namin ang unit, nagpakabit na kami ng tubig at kuryente tsaka lang namin nalaman na naglleak pala ang tubig from 2nd flr na t&b, walang power ang lahat ng outlet sa 2nd floor.
Hay…
Nagawa na nila ung no power sa laht ng outlet sa 2nd floor after 2 weeks na file namin ang complaint. Ung water leak naman, until now we are still waiting na gawin nila. I heard medyo mahigpit na ngaun ang Profriends sa mga contractor nila. Lets see..
okay na po ba?
Hanggang ngayon ba madami pa rin problema ang profriends naku kakadown ko lang kanina ng first equity huhuhu please advice naman jan
Mabuhay Sakichan!
Sa kasamaang palad, opo, marami pa rin po base sa mga nakakausap, nakakaemail at nakakatweet ko :(… Follow nyo po si Mr. Joel @JoelTimajo and ask him para mas fresh po ang info…
Nakakalungkot talaga kumuha ng unit sa Lancaster kumuha kami last 2010 at sabi sa buyer’s counseling nila after 15 months of payment makaka-move-in na at after 20% equity maipasok sa PAG-IBIG lahat ng nyan ay walang nangyari. Until now di pa nila na-turn over yung unit dahil sa palpak na gawa at di nila ginagawa biruin mo last December 2012 nasa 86% construction until now di pa sila tapos? at ang mga empleyado nila mapa site, main at imus walang kwenta pahintayin ka ng buong araw sa request mo o pababalikin ka sa wala.
Nailipat namin sa Metrobank thru our own efforts at nabayaran na sila last year February. Sa second inspection namin nagdala na kami ng Engineer sa bawat palpak na napuna sa bahay si Jey ar ( Comandante) laging may palusot na ganun na daw ang quality ng gawa nila.. e bakit dun sa model unit nyo maganda pagdating sa unit deliver kung ano-ano na lang. Noong pinuntahan namin yung model unit nila na Haven wala na pinasira na nila.
Pano nyo po nilakad mga problem sa construction nila?
thank you in advance.
Magandang Araw Sayo Maria!
Nakakalungkot talaga ang mga nangyari sa atin pero salamat sa Diyos at nakalipat na po kami at maayos na namumuhay ngayon minus ung mga kasiraan sa bahay namin. Ang ginawa namin, gumawa kami ng letter para i-accept na namin un unit pero dapat gagawin nila ung mga kapalpakan nila… Inaraw-araw namin sila nun mismong nakatira na kami doon. Tinetext po namin sila, tinatawagan at pinupuntahan sa mismong opisina. Nakakapagod pero ganon po talaga sila, hanggat hindi ka nila nakikitang ma-i-stroke na, di sila gagawa :(… Ang totoo, mas gusto ata nilang minumura sila at pinagsasabihan ng masasakit na salita. May mga nagkwento sa amin na ganoon ang ginagawa nila dahil sa sama ng loob. Ayaw man nilang gawin ang ganoong bagay, wala silang choice kundi ang bigyan sila ng ganoon dahil nakakapikon naman talaga ang ginagawa nilang ganoon…
May balita ako na, umaayos na raw ang gawa nila pero syempre, ang hirap pa ring sabihin na totoo kasi ung mga nag-inspect last week sa village namin eh hindi pa naman aktwal na nakatira sa unit nila at wala pa akong nakakausap na natuwa sa nangyari sa kanila… Most of the time kasi, eye candy lang ang nangyayari… Pero sana, maayos na talaga…
Good luck and God bless you Maria!
mam gud am po ask lang po sana kung marami ng nakatayung unit sa ks6 blk 5, thanks po God bless
Magandang Umaga po!
Sa totoo lang po, di ako sure pero last December nung dumaan kami sa KS2, unti pa lang ung mga nakatira, may mga street na 1 pa lang ang nakatira. Sa tingin ko po, unti pa lang dahil sobrang tahimik pa po sa bandang KS talaga lalo na pag gabi…
Hi..gud day,actually madami na unit nakatau hnd ko lang alam kong alin ang ks6 blk 5 kagagaling ko lang doon january 30 2014 ng pa reserve din ako kc my promo cla pro ngayon ng dadalawang isip na ako na ituloy kc marami ako nababasa na mga riklamo gusto ko sana i transfer nalang para makuha ko yong reservation fee ko..advice naman pls.tnx god bless po.
Magandang Araw!
Pasensya na sa matagal na hindi pagbisita at pagbasa ng inyong mga komento at tanong… Kung ako po ang tatanungin, mag-research pa po kayo. Magtanung-tanong pa lalo na sa mga nakatira na sa mismong subdivision na inyong nakuha. Mag-isip po kayo maiigi bago ipagpatuloy ang pagbili…
@Christopher, pag luwas po kau ask ur agent to site see kung d p po niu napntahn, hndi lng kau makakapasok sa mga bahay bahay ng bawat block but it’s for ur own safety dn kc kaya hnd inaalow kc hnd p nmn tapos po. Sa concern niu po sa lau sa clubhouse, u will appreciate that in time since magkakarun ng bpo hub near leighton hall, and lancaster square, mas magging matao dun banda. 😀
Hello po, Bago ko nabasa ung blog mo, I was 80% sure na gusto ko kumuha ng unit ditto… I even referred this Property to my officemates…. Architecture graduate po ako and base on my personal experience with a contractor back there in Pinas, sobrang aware na po ako na substandard talaga yung ginagamit nila para kumita kahit standardized and me quality ung naka specify sa bahay mo. Maganda ung marketing strategy ng profriends and maganda rin ung website nila. Naisip ko na sa baba ng amount ng mga properties nila, it is really too good to be true. Kaya naghanap ako ng reviews until Makita ko ung blog mo. Di ko na itatanong if its worth it kase, sa tagal ng inantay mo..at sa sakit ng ulo at abala na naexperience mo.. nakakalungkot isipin na, nagbabayad ka naman ng tama sa tamang panahon, di naman peke ung pera mo, ginagawan mo ng paraan na mai save ung amount na un makabayad ka lang on time, and yet, di nila maibigay ung kalidad at bahay na ipinangako sayo, na dapat naman talaga eh mapasaiyo. Sa larangan ng construction, na kinabibilangan ko, nakakalungkot na kahit saan makikita mo ang ganyang mga issue… bat ba hindi kayang gawin ng mga Pilipino na pasimplehin ang buhay… Magbabayad ako ng tama para sa produkto na ipinakita mo sakin nung iniaalok mo pa lamang. Anyways, paano pa mag iinvest ang mga Pilipino na nasa ibang bansa sa “sariling atin” kung nanloloko lang din sila ng kapwa…Sayang… OK na sana…ako na rin siguro sasagot sa tanong ko, siguro, its not worth it… Salamt sa information…. 🙂 Sana maging maayos na kayo at Sana maging maayos din ang Lancaster…. 🙂
mam patulong naman po pano po gumawa ng letter of cancellation, kasi back out nako, pliss po, im stressfull about my unit. 100% backout
Magandang Araw sayo Cris!
Salamat sa pagbisita sa aking blog. Pwede kang makakita ng mga halimbawa ng cancellation letters dito: http://www.ask.com/question/how-to-write-a-cancellation-letter
Kung nakabayad ka na ng reservation fee. Alam ko non-refundable yun pero yung iba mong naibayad, hindi ko alam, siguro, depende sa case mo. Sana maayos mo ito sa lalong madaling panahon.
God bless you!
I search mo sa google kung panu gumawa kc tuturuan ka kung panu…sabihin mo how to make cancellation letter.
Hello, a ung model ung kinuha mo? Nandito ako sa US I’m planning to get the Gabrielle, mum hang maganda ant mura, gusting gusto ko talaga, pero base sa review mo, parang ayaw ko na kumuha, sa Sunday pa dapat mg rereserve ung parents ko kc may 50% off sa downpayment bale 10,000 am lang, Sabi ko that’s a good deal since saying din ung $250. Did u spend anything dun sa mga repair nila. Have you heard any complaints sa Gabrielle and Alexandria model nila?
Magandang Araw Chloe!
Kami rin dati, sinamantala namin ang discount sa reservation :). Sayang naman kasi.
Maganda talaga ang model house na Gabrielle. Elegante ang disenyo pero mas maganda kung puntahan ng parents mo ung actual na location ng i-re-reserve mo at ung mga nakatayo ng bahay na Gabriel dun sa mismong subdivision. Noong una, nabalitaan ko nga po na ung mga bagong model tulad ng balak nyong bilhin ay okay na raw po pero recently may mga nakasabayan po kaming nagrereklamo tungkol dun hindi ko lang po masyadong sigurado kung Gabrielle po ang eksaktong nirereklamo nila. Mahal po ang Gabrielle at kung ako po ang tatanungin nyo kung ang bahay po ang habol nyo, mas maganda po siguro na tumingin pa po kayo sa iba. Pero kung lokasyon ang tinitignan nyo, para po sa akin, okay na okay po. Hindi po ito binabaha, may service naman pong libre (well, hindi po totally libre dahil nagbabayad po ng HOA), malapit po sa Cavitex na mabilis po talaga ang biyahe papuntang Metro Manila.
Maganda rin po na mag-search pa uli kayo sa ibang blog/web tungkol sa reviews/feedbacks sa Profriends. Mahirap din po kasing magbase sa isang blog lang lalo na’t hindi lang po pero ang ipagkakatiwala nyo sa kanila kundi pati po ang pangarap nyong bahay…
I went there earlier to check the model units and as expected fabulous Ang peg ng mga house. Kaya I didn’t spend to much time dun sa mga model units and really checked the delivered units. I easily notice ung mga cracks sa walls and flooring. Ung railing ng stairs ndi matibay so I immediately asked the agent ate Belen about the mAterials being used dun by Profriends. Obviously Ang sagot matibay po Ang mga materials ng contractor nmin Mam. So when I pointed And show the cracks I saw sabi Nya eh ma’am model ulit nmn po to so Dahil wala nmng titira Medyo less quality Ang mga materials pero again inulit Nya sa actual high quality materials. Ok fair enough sabi ko. So what I did is I asked if we can see tha actual community just for me to check if the area is congested and Kung may mga Puno. They will try daw and fortunately Nadaan Kmi before leaving the premise. Ng worry lalo ako sa nkita ko. Ung mga bahay n tinatayo is made of precasted cement. Para Shang puzzle na binubuo. Ung mga walls pinapatong and same goes for the roof to form the house. Tas ung polishing is ung cement.so dun pa Lang tama ung initial assessment ko na ndi matibay. Unlike other houses wala ata Shang 4 corners na matibay. I saw how our house in bulacan was built and yung tina tawag na apat na haligi parang wala nun. So when I got home. Ng check ako ng Internet to research about pre casted cement accdg nmn sa net mAtibay naman daw. Ung driver nmin even mentioned na ung mga precast cement daw is Japan tech. Japan is know as earthquake proof country pero who knows. I’m just saying. Now naisip ko kaya nga sha Mura. And reading this blog helped me so far to decide. Thanks and I hope makuha mo n ung house mo soon. God bless you:)
Magang Araw Gracey!
As of today, sa awa po ng Diyos, nakuha na po namin ang Authority to Move-In (ATM), anytime pede na po kaming makalipat pero may mga pinapagawa pa po kami katulad po ng pagpipintura at pagpapa-tiles. May mga problema pa rin po ako sa unit namin pero everything is tolerable naman, marahal dahil expected ko na lahat and I have experienced the worst :). Two weeks ago, noong nakabitan po kami ng tubig, nalaman ko po na may mga sirang tubo at problema sa pagpasok ng tubig sa mga lababo, may leak din po ang tambol, hindi tama ang pag stock ng tubig sa banyo at marami pa pong iba. Mga isang linggo din po akong nag-follow up sa kanila para maiayos po. At least, hindi isang buwan 🙂 Last week naman po, ng kinabitan naman kami ng kuryente, marami po sa outlet and socket ang hindi gumagana at mali ang pagka-distribute ng circuit. Fortunately po, ginagawa na siya ngayon :).
Sa pre-cast naman po, wala namang problema sa tibay base sa mga taong kakilala namin, in fact mas matibay daw po un pero may nababasa po ako na ampaw daw po ang pagkakagawa sa iba pero yung sa amin naman po, hindi naman po, hindi lang talaga pantay ang pagkakahulma nila. Baku-bako :(.
Salamat po sa pagbisita sa blog ko and hopefully, makakuha po kayo ng mas maayos na developer and bahay in the near future. I really won’t recommend Profriends kung ayaw nyo po ng sakit ng ulo 🙂
God bless din po 🙂
ang hirap pala kumuha ng house, papano po magrefund o magback out sa pro friends? ano letter ang gagawin?
base sa mga nabasa kong nag-back out, nag pa stop payment daw sila, meaning pina-hold nila ung tseke na ibinigay nila sa Profriends, un nga lang wala silang nakuha :(, walang refund… pero siguro depende sa kaso, kung nilaban mo ung mga ginawa nila sau, malamang makuha mo pa ung binayad mo… ung iba kasi, hinayaan na lang nila ung naibayad nila kesa naman daw sumakit pa ang ulo nila… un nga lang sayang 😦 pero panalo ka pa rin, at least may choice ka na na bumili at pumili ng totoong dream house mo…
nakailang bayad ka na ba?
nka 2months palang po kami, ang buyer po ay ang misis ko nasa canada, ako SPA ng misis ko ako rin nakapangalan at pumirma sa cheke, nagpapadala nalang sakin at inihuhulog ko sa UCPB, province ng ISABELA po ako, nakatira na po ba kayo sa lancaster? MS11-11_09 po unit nmin, napakalayo sa clubhouse at diko pa nakita ung site, ano kaya gagawin ko, may kasalanan ba ang mga agent?
Magandang Araw Christofer!
Para sa akin, hindi direktang may kasalanan ang mga agent, tulad ng iba, gusto lang nilang kumita ng pera pero kasi ako, hindi ko kayang magbenta o hindi ako magbebenta ng kahit anong produkto o serbisyo na hindi ako tiwala… sana naging tapat sa iyo ang agent mo tungkol sa mga nangyayari sa mga customers ng Profriends. Marami rin sa mga ahente dyan, pagkakuha ng komisyon, pagkatapos mong pumirma at magpaunang bayad para sa equity, di ka na papansinin, sana nga lang po hindi ganun ang agent mo. Sana tulungan ka pa rin nya hanggang sa huli.
Mas maganda rin po na bisitahin mo ang site, makita mo ung actual na bahay nyo. May sinabi po ba sa inyo na move-in date? Nangako po ba sila na pede nyo ng lipatan yun pagkatapos ng 15 – 18 buwan? Ipinapayo ko rrin po na palagian kayong mag-follow up ng development sa unit nyo o sa loan nyo.
Hindi pa kami nakakalipat, hanggang ngayon problema pa rin ang dulot sa amin, pabalik-balik na kami para maayos pero wala pa ring nangyayari, parang hindi sila nababahala. Ewan ko, ayaw nila ng maayos at mahinahon na usapan, kikilos lang sila pag nanlaki na ang ,mga mata mo, naging soprano na ang boses mo at uminit na ang ulo mo, gusto ata nilang ma-heat stroke ang lahat ng kliyente nila. Sa araw-araw kong pagbisita sa CRG and Engineering Dept. dito sa Imus site, laging mahaba ang pila ang nagrereklamo. Hindi ko naman masasabing terror at nakakatakot ako kasi halos lahat ng nakapila dito, galit na galit na, paano ung iba, nakatira na sila sa bahay nila, problema pa rin. Halos 2-3 buwan na raw naka-pending ang mga reklamo nila sa bahay.
Christofer, magsuri ka muna, puntahan mo ang site, magpasama ka sa agent mo, karapatan mo yan, hanggat maaga, ayusin mo lahat para hindi sumakit ang ulo mo sa huli.
Kung may mga katanungan ka pa, sabihin mo lang, susubukan kong magbigay ng tama at logical na sagot.