Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Archive for Setyembre 14th, 2009

Katorse

Erich with Enchong, EJ & Xian

Erich with Enchong, EJ & Xian

Hindi ko alam kung bakit ngayon lang pinalabas ang “Katorse” gayong pinromote na ito noong mga nakaraang buwan pa. Hindi ko alam ang dahilan ng pagka-delay nito sa telebisyon basta ang alam ko dapat pala ay linguhan lang ang pagpapalabas nito kaya lang nagandahan masyado ang management kaya nilagay sa primetime ang soap ni Erich Gonzales.

Tama nga, tunay ngang magaling ang pagkakagawa ng “Katorse”. Napakagaling ng mga artista at makahulugan ang mga eksena. Sabi nila dati “bold” daw ang “Katorse” na isa palang pelikula noon na pinagbidahan ni Dina Bonivie, siguro hindi naman, sexy lang. Hindi ko iyon napanood pero sa tingin ko ay may mapupulot ka ring aral sa pelikulang iyon. Back to the new “Katorse”, tamang-tama lang ang timpla nito, maasar at maawa ka kay Nene na napakaignorante ngunit may ginintuang puso. Hahanga ka rin kay kapatas na Nena sa kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak, sa kanyang katatagan at pagiging masiyahin sa kabila ng mga pighanti at hirap sa buhay. Hindi ko makuhang maasar kay Madame dahil natural na pagiging ina ang isinabubuhay niya. Tama na parang mali ang inaasal niya. Si Gabby naman nakakaasar talaga na parang gusto mong batukan sa tuwing aapihin si Nene at sasagot sa kanyang mga magulang at aastang sobrang yabang kay Albert. Ngayon pa lang lalabas ang karakter ni Jojo pero parang magiging mas exciting ito. Gusto ko si Jojo at sa tingin ko magagampanan niya ng mabuti ang kanyang role sa soap na ito.

Maayos din ang karakter ni Albert, Gardo, Nenita at Marissa. Hindi rin papahuli ang mga akting nila.

Okay ang pagsasama ng mga karakter kahit masyado ng batikang artista ang iba, hindi rin nagpapahuli ang mga baguhan pero ang hinahangaan ko talaga sa palabas na ito ay ang mga simpleng salita at pag-arte nila na akma sa mga katotohanang sakit ng lipunan. Kung iisipin mo kakapulutan talaga ng aral ito lalo sa mga kabataang naghahanap ng tunay nilang pagkatao na nauuwi sa katulad na sitwasyon ni Nene.

Hindi ako magtataka kung tataas pa lalo ang ratings ng programang ito. Sana mapanood pa ito ng mas nakakarami, hindi lang kayo mamumulat ngunit maaliw din sa mga eksena lalo na kay Nene na ginagampanan ni Erich na sadyang napakagaling at napakaganda pa. Pwede siyang mabigyan ng akting award dito kung saka-sakali.

Read Full Post »