Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘jake cuenca’

Tayong Dalawa is indeed a Masterpiece!

Mga Magagaling na Artista ng Tayong Dalawa

Mga Magagaling na Artista ng Tayong Dalawa

Hindi ko gusto ang mga telenobelang may barilan, kidnapan at patayan. Naasar ako, di ako nakaka-relate (salamat sa Diyos!) kaya hindi ko sinusubaybayan ang palabas na ito noong una. Isa pa, masyado ng gabi ito para sa akin. 9:30 ng gabi kuno pero kadalasan, alas diyes na nagsisimula. Hindi ko rin masyadong gusto si Jake Cuenca kaya ayoko talaga pero marami na akong naririnig sa aking mga kaibigan at nababasa sa blog at dyaryo na napakaganda talaga ng istorya plus the fact na premyadong mga artista ang mga kasama rito.

Noon pa man, hanga na ako kay Gina Pareno. Iba sya pag nagbitiw ng salita. Ramdam mo ang lalim at ang karater na ginagampanan niya. Isa siyang tunay na napakahusay na aktres.

Si Agot Isidro, gustong-gusto ko siya bilang isang mang-aawit at simpleng tao lalo na ang napakapayak ngunit napakagandang sense of fashion. Natatandaan ko pa nun elementary pa ako, gusto ko ang kanta niyang “Everyday” :).

Si Cherry Pie Picache, kailangan ko pa bang magsabi ng patungkol sa kanya? Aba ang galing ng transformation mula sa pagiging Isadora Maldita aba ang bait na ina naman ngayon. Sa komedya man, drama at lahat na, magaling talaga si Cherry Pie!

Si Stanley ang galing din, pati si Anita Linda, kahit matanda na, nakakaasar pa rin ang pagka kontrabida. Si Jodi kahit low profile ang role, iba pa rin ang dating.

Sayang nga namatay si Greta aka Alessandra. I love Alex. Siya ay talagang gusto ko from head to foot sa labas o likod man ng kamera :).

Si Kim, Gerald at Jake naman, di rin matatawaran ang acting. Iba ung tandem nila. Hindi ko nga alam na marunong na palang umiyak si Gerald at Jake na kung makasayaw sa ASAP eh akala mo mga siga ng dance floor :).  Humusay si Jake ng lumipat siya sa ABS. SI Gerald naman iba na rin talaga ang acting ability. Mabilis tumulo ang luha niya. Ayoko lang ng boses niya kase parang pinapalaki niya, hindi tuloy mukhang natural. At bilib na bilib talaga ako kay Kim, napakahusay nya talaga. Sa ilang taon pa lamang niyang napasabak sa showbiz, hindi matatawaran ang kagalingan niya. Sumusunod sya sa yapak ni Judai sa pag-iyak. Dun sa kasal nila ni JR, ang galing-galing talaga niya.

Naku muntik ko na makalimutan si Coco Martin na bukod sa napakaamo ng mukha eh napakagaling din talaga. He deserves all the nominations and awards na nakakabit sa pangalan niya. Gusto ko pag nag-uusap sila ni Lola Gets. Iba ang emosyon, nadadala ako. Kulang na lang pumasok ako sa TV para damayan sila.

Aside from the cast, ang istoryo talaga ay kakaiba, hindi mo talaga mahuhulaan kung anong mangyayari. I mean very unpredictable pero in fairness, at first pa lang alam ko ng kambal sina JR at Dave… hehehe. But as a whole, this teleserye is really really a masterpiece that ABS should be proud of.

For me, mahahanay ko sya sa Maging Sino Ka Man at Kaytagal Kang Hinintay.

Good work and congratulations ABS!

Read Full Post »

kim chui paganda ng paganda... pagaling ng pagaling sa pag-arte.

kim chui paganda ng paganda... pagaling ng pagaling sa pag-arte.

Si Kim Chui ay isang Tsinay na tinaguriang First PBB Teen Edition Grand Winner. 

Nanood ako kagabi ng “Tayong Dalawa” starring Gerald Anderson and Jake Cuenca at nagulat ako dahil napakalaki na ng pinagbago ni Kim. Napapanood ko siya sa ASAP pero dahil masyado na akong antok pag-uwi ko, natutulog na lang ako instead of watching TV so kagabi ko lang napanood muli ang programa nila. Namangha ako at natuwa sa pag-arte niya. Hindi siya nagpapatalo kina Cherry Pie Picache, Gina Pareño, Jodie Santamaria at Allesandra de Rossi na kapwa paborito ko rin at pawang batikang mga artista rin. Napakaganda rin nya sa mga eksena lalo na ng kausap niya si Jake. Ginagawag mas matanda ang role niya sa eksena kumpara sa edad niya pero she is naturally sweet and young-looking.

Posie pa rin kahit umiiyak. Maganda at magaling yan ang tingin ko sa kanya ngayon. No wonder kung makakakuha na siya ng acting award soon. sana mapansin ang kagalingan ni Kim sa larangang kanyang kinabibilangan.

More Power to You Kim!!!

Read Full Post »