Pero hindi rin pala maganda ang maging ganoon. Pakiramdam ko tuloy hindi lang ako mayabang, plastic pa kung minsan. Napansin ko rin na mas masasaktan ka kapag inipon mo lahat at minsanan lang maglabas ng nararamdaman… ng sakit at pighati sa buhay. Naging mahirap din akong makalimot sa mga bagay na nagawa sa akin. Madali akong mawalan ng tiwala sa tao lalo na sa mga taong hindi ko naman masyado “close”. At ang masama pa, kahit hirap na hirap na ako, wala ng nakakaramdaman na hindi talaga ako okay. Pakiramdam ko tuloy, isa akong payaso na hindi na marunong ngumiti sa likod ng mga tao.
Mga Paskil na Minarkahan ‘Bro’
Mayabang at Plastic Ako
Ipinaskil sa Ekspresyon at Emosyon, minarkahan attitudes, Bro, close, feelings, mayabang, nararamdaman, plastic, Tao, ugali noong Oktubre 23, 2009 | Mag-iwan ng Puna »
Buhay ng Tao
Ipinaskil sa Ekspresyon at Emosyon, minarkahan Bro, buhay, life, masaya noong Setyembre 11, 2009 | 2 Puna »
Ayoko pero ginagawa ko. Masaya pero lumuluha. Nasasaktan pero laging nariyan. Matamlay pero laging nakaagapay. Ayaw maniwala pero sumusuporta. Malungkot pero nakangiti. Masaya pero malungkot ang mga mata. Kontento pero parang kulang. Buhay pero parang walang buhay.
May Bukas Pa
Ipinaskil sa Telebisyon, minarkahan ABS-CBN, Bagong Pag-Asa, Bro, Channel 2, Jesus, Marcelino Pan Y Vino, Mayor Rodrigo, Santino, Zaijan Jaranilla noong Mayo 27, 2009 | 3 Puna »
May Bukas Pa (ABS-CBN Channel 2), After TV Patrol World
Marahil ngayon kilala mo na si Bro at Santino. Alam mo na marahil ang Bagong Pag-Asa.
Nagustuhan ko ang palabas na ito hindi lang dahil sa magagaling ang casting kundi dahil sa mga aral na mapupulot dito. Ilang beses ko na ring naisip na sana may programang tulad nito [...]