Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Imbak para sa Kategoriyang ‘Pagkain’

Turon

Sino ba ang hindi nakakakilala sa “Turon”? Ang turon ay isa sa mga paboritong merienda ng mga Pinoy. Ito ay piniritong saging na saba na nakabalot sa lumpia wrapper na may asukal sa loob at labas at kung ito ay espesyal, meron pang langka sa loob na nagbibigay ng mas malinamnam na lasa at kakaibang aroma. May kakaibang turon na rin na binubudburan ng sesame seeds na sumasama sa lasa ng asukal sa wrapper nito.

Basahin ang Buong Paskil »

Tempting talaga kumain ng Knick Knacks lalo na kapag medyo malamig-lamig ito. Tulad nga ng sabi ko, masarap ang chocolate na ginagamit sa pagawa ng pagkaing ito, kaya pala kase naman galing Switzerland ang manufacturer nito na kilala talaga sa paggawa ng masasarap na chocolate. Kaya lang parang matigas na ng unti ang biscuit na gigamit nila kase dati ang lasa ng biscuit sa loob ay parang “marie” (bilog na biscuit na kadalasang pinapakain sa mga batang patubo pa lang ang ipin), sobrang linamnam at malambot pagkinagat at ibang klase ang lasa pag nasa dila mo na. Pero sa kabuuan, okay pa rin ang Knick Knacks no.

Basahin ang Buong Paskil »

Choco Mallows

Chocolate covered marshmallow-buscuits yan ang Choco Mallows. Favorite ko ‘to noong high school pa ako. P4.00 each pag binili sa canteen at siguro around P18.00 lang sa box pag binili sa grocery noon. Pero mas makakatipid pag 1 box ang binili mo kase 6 pcs ang laman.

Basahin ang Buong Paskil »