Lasang laging bago, manipis ang tinapay at medjo malaman naman ang loob na matitikman mo ang karneng malinamnam, may itlog pa sa loob at maliit na piraso ng chorizo. Katakam-takam din ang tinapay nito na pwede mong ihambing sa simpleng puto ang lasa. Ang sauce na manimis-namis ay perfect sa mainit-init na Siopao.
Imbak para sa Kategoriyang ‘Kainan’
Mei Wei
Ipinaskil sa Kainan, minarkahan anton, beef, butchi, chinese restaurant, lechon macau, mei wei, sarap, siomai, siopao noong Hunyo 24, 2009 | Mag-iwan ng Puna »
Sa halagang P138.00 makakakain ka na sa merienda all you can nila tuwing 3-6pm. Mga alas kwatro y medya pa lang kaya okay. Tinignan ko muna ang menu nila:
1. Ginataang Bilu-bilo – Ok naman, hindi ako mahilig pero mukhang masarap!
2. Dinuguan – Wow! Looking good!!!
3. Palabok – Nyek! Palabok na ‘di ko makakitaan ng sahog.
4. Lomi – Malapot at mabango ang amoy!
5. Lugaw – May mga tinadtad na manok akong nakikita, in fairness!!!
6. Tokwa – Tokwa na walang baboy!!! May swine flu kaya siguro hindi nila nilagyan ng baboy?
7. Turon, Kutsinta, Puto, Biko – Hindi ko gaano type pero okay na rin
8. Halu-halo – Halu-halo na ang halo ay saging, kamote, gulaman, sago na may arnibal at gatas
Paotsin
Ipinaskil sa Kainan, minarkahan buko pandan, paotsin, rice, shark's fin, siomai, SM North Edsa noong Hunyo 3, 2009 | 8 Puna »
Ang pagkakatimpla sa mga dumplings nila ay close to perfection. Kung ayaw mong ng maanghang, pwede mo ring i-request na soy sauce lang ang ilagay sa styro food container mo. Then, perfect combination din ang masarap at malamig na buko pandan juice na hindi lasang may preservatives.
Tropical Hut
Ipinaskil sa Kainan, minarkahan burgers, cainta, cheeseburger, chicken joy, cubao, fastfood, food, friend chicken, goldilocks, halu-halo, jollibee, mcdo, tropical hut noong Mayo 29, 2009 | 4 Puna »
Masarap talaga, lalo na ang burgers. Maski ordinaryong cheeseburger mapapa-wow ka! I love the Classic Burger na malaki talaga at malinamnam ang patty. Gayundin ang Rancho Ranchero Burger nila. May laban din sa Goldilocks ang yummy Dinuguan. Lasang Chowking din ang Halu-Halo. Ang Fried Chicken, chicken joy din ang dating. Malalaki ang manok kaya lang laging leg ang thigh ang available. Maging ang Shanghai meal nila, okay din.