Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Imbak para sa Kategoriyang ‘Isyu at Kung Anu-Ano’

Tumawag ako sa Globe Customer Care. Kung anu-ano ang tinanong sakin, sabi ko, “di nyo ba nakikita jan o na-mo-monitor ung SIM number activity?” sabi naman nila, nakikita naman, sabi ko, “eh bakit, di nyo agad mabigay ang load eh obvious naman na ka-ka load ko lang kagabi at isa pa lang ang na text ko?”, sabi ng customer service representative, kailangan pa rin daw i-report at kapag hindi pa raw naibabalik ulet ang load after 24 hours, tumawag ulet sa hotline. Ayokong magtaray sa CCR kase alam ko namang, ginagawa lang nila kung anong sinabi sa kanila ng kompanya, kumbaga un ung standard procedure of the company. So, okay, I waited for 24 hours, walang load ang naibalik sa akin. Then tumawag ulet ako, aba paghihintayin ulet ako ng 24 hours? Para sa P9.00. Siyam na piso ay maliit kung titignan mo pero pano kung 1,000.00 kaming Globe subscribers ang nakunan ng load sa isang araw, eh di may P9,000.00 na sila which is hindi naman sa kanila kundi sa mga taong bumili ng produkto nila na hindi naman napakinabangan.

Basahin ang Buong Paskil »

Maraming hindi magandang balita ang nakakabit sa pangalan ni Mike Tyson pero ano nga ba siya bilang ama? Maari mong husgahan ang tao sa kanyang ipinapakita sa publiko ngunit ang totoong tao sa loob ng bahay at ang totoong tao bilang ama ay kailanman ay hindi dahil ang mga anak at kapamilya niya lamang ang makakapgsabi nito. Anong sakit at hinagpis ang nararamdaman ng isang matikas na boksingero. Sana paglipas ng panahon, mawala ang sakit at pangungulila na nadarama ng isang amang nawalan ng pinakamamahal na anghel sa kanyang buhay.

Basahin ang Buong Paskil »

Biktima

1. Kasal na ba si Dr. Hayden Kho Jr.?

2. Nag-deny ba ang mga babaeng katalik niya na may relasyon sila ng doktor ng mga panahong iyon?

3. Pinilit ba ni Hayden ang mga babaeng katalik niya sa video?

4. Si Dr. Hayden Kho Jr. ba ang nag upload ng video?

5. Gaano ba kasama ang ‘pag video ng pakikipagtalik sa taong karelasyon mo kung wala ka namang intensyong ilabas ito sa publiko?

6. Sa sex video na lumabas ang babae lang ba ang biktima? Wala bang karapatan ang mga lalaki?

7. Kapag nakikipagtalik ka, hindi ka ba bumibigay?

Basahin ang Buong Paskil »

Sa dami-dami ng nabiktima bakit parang ngayon lang sila nagkumahog na kumilos at magsalita? Dahil ba sa kilalang personalidad ang sangkot at hindi ordinaryong tao lang? dahil ba mas dapat protektahan ang mga taong kilala kaysa sa taong-bayang naghihikahos sa hirap. Maraming bagay na dapat sana’y noon pa ginawa pero marahil wala naman silang mapapala kaya ngayon, dahil sa sikat at malapit na ang eleksyon, sige ang buhos ng tulong.

Basahin ang Buong Paskil »