Mahal ako ng Diyos at hindi Niya ako pababayaan kaya ano man ang dumating, sunud-sunod man muli ito, lahat ay kakayanin ano man ang suungin.
Imbak para sa Kategoriyang ‘Ekspresyon at Emosyon’
Kabiguan
Ipinaskil sa Ekspresyon at Emosyon, minarkahan kabiguan noong Oktubre 23, 2009 | Mag-iwan ng Puna »
Mayabang at Plastic Ako
Ipinaskil sa Ekspresyon at Emosyon, minarkahan attitudes, Bro, close, feelings, mayabang, nararamdaman, plastic, Tao, ugali noong Oktubre 23, 2009 | Mag-iwan ng Puna »
Pero hindi rin pala maganda ang maging ganoon. Pakiramdam ko tuloy hindi lang ako mayabang, plastic pa kung minsan. Napansin ko rin na mas masasaktan ka kapag inipon mo lahat at minsanan lang maglabas ng nararamdaman… ng sakit at pighati sa buhay. Naging mahirap din akong makalimot sa mga bagay na nagawa sa akin. Madali akong mawalan ng tiwala sa tao lalo na sa mga taong hindi ko naman masyado “close”. At ang masama pa, kahit hirap na hirap na ako, wala ng nakakaramdaman na hindi talaga ako okay. Pakiramdam ko tuloy, isa akong payaso na hindi na marunong ngumiti sa likod ng mga tao.
Boluntir
Ipinaskil sa Ekspresyon at Emosyon, minarkahan ABS-CBN, boluntir, Dasal, Ondoy, Panalangin, Pepeng, Sagip Kapamilya, Tulong, Unos, volunteer, Wonder Mom noong Oktubre 19, 2009 | Mag-iwan ng Puna »
Marahil nga, mayroon pa akong magagawa, hindi man ngayon pero alam kong bubulungan ako ng Diyos upang mas makapaghatid pa ng mga tulong hindi lamang sa mga biktima ng bagyo kundi sa mga tao sa mundo lalo na sa bayan ko.
Nalilito
Ipinaskil sa Ekspresyon at Emosyon noong Oktubre 13, 2009 | Mag-iwan ng Puna »
Nalilito ako…
Bumisita si Ondoy sa Aming Tahanan
Ipinaskil sa Ekspresyon at Emosyon, Kalikasan, minarkahan bagyo, Bagyong Ondoy, baha, kalamidad, Ondoy, super typhoon, ulan noong Oktubre 2, 2009 | Mag-iwan ng Puna »
Sa panahong iyon, doon ko nalaman na walang mayaman at mahirap ‘pag kalikasan na ang dumaing. Walang mayaman at mahirap sa gitna ng kalamidad. Walang mayaman at mahirap sa bingit ng kamatayan. At walang hihigit pa sa buhay ng pamilya kahit anu pang maiwan maisalba lang ang buhay ng bawat isa.
Pangarap
Ipinaskil sa Ekspresyon at Emosyon noong Setyembre 26, 2009 | 2 Puna »
Bakit nga ba kailangan pang ipanganak sa mundo kung puro lang hirap ang kakaharapin ng mga paslit na ito? Sadya nga bang wala kang kawala kung ang mga magulang mo’y lumaki rin sa lansangan? Ganoon din ba ang iyong kalalakihan, mamamalimos din habang buhay? Wala bang karapatang magbago ng buhay ang mga sawing palad na ito?