Marami ang nagtatanong sa akin- sa e-mail, sa text at sa blog. Kami po ay nakatira sa bungad lang, bago mag Leighton Hall at base sa aking karanasan hindi naman kami direktang naapektuhan ng baha. Wala pong baha sa loob ng Village, gatalampakan ang tubig na mabilis naman dumaloy sa drainage pero sa ibang parte ng Village, mas mataas po kasi hindi maganda ang pagkakagawa nila ng system. Sa isang kalye, mga anim hanggang walo lang ata ang butas para sa daluyan ng tubig (magkatapatan) kaya ang resulta, naioipon ang tubig sa gitna ng kalye kaya bumabaha at hindi makadaan ang maliliit na sasakyan. Dati, naireklamo ko na yan pero sabi nila magagawa na raw yan kapag may Officers na… Ang gandang kasagutan di ba? Kailangan pang maghintay ng botohan at dumami ang tao sa Village para lang maayos ang ganitong problema.
Nasa ibaba ang ilang larawan:
Sira ang ilang gutter na ilang beses ko na ring inireklamo pero hanggang ngayon, wala pa ring tugon. Maghihintay muna sila siguro ng madidisgrasya, nakakalungkot mang isipin. Sa ika-apat na larawan, napakalalim nyan kaya kung hindi ka taga Village at madilim at malakas ang ulan at hindi mo napansin ang butas, talagang mapapahamak ka. Sira rin ang ilang poste ng ilaw kaya sa gabi, madilim. Inireklamo na rin ang tungkol doon ng isang kapitbahay namin pero hanggang ngayon, walang tugon :(.
Sa Lancaster Residences naman, umapaw ang ilog, narito ang mga larawan (Gate 2):
Mabilis namang humupa ang tubig ng huminto ang ulan. Ang Ilog na ito ay matatagpuan malapit sa Gate 2 ng Lancaster Residences.
Sa main road, hindi rin makadaan ang maliliit na sasakyan, pati nga ang sevice ay hindi bumyahe dahil sa tubig pero tulad nga rin ng ibang kalye, mabilis din itong nawala kahapunan ng Agosto 19.
Ang mga nangyari naman sa loob ng aming bahay ay iba namang istoryo at sa kasamaang palad, kinakailangan ko na namang muling magtungo sa Village Admin sa susunod na linggo para magreklamo :(.
Hi, thank God I found your blog… kumsta na po ang kensington village ngayon? Nakakuha po kasi kami sa KS4 way back 2011 pa, pero ngayon pa lang kami na notify for our first inspection! Can you imagine almost 5 years??? Tsk!
Join the Lancaster New City Home Owners group on Facebook para po lumakas ang tinig nating mga home owners. Para sa mga suggestions tungkol sa unit po natin. Invite friends to join!
Hi pacheck naman if binabaha ung KS16. Kumuha kasi kami ng unit sa Diana.
ano ba to? kakavisit ko palang sa lugar ng lancaster sa kensington at balak ng kumuha ng diana, kaso nung nabasa ko to bigla naman akong nagdalawang isip. sana me mga comments pa sa mga nakatira na dito at mapatunayan kung ano ba talga at worth it bang bumili at maginvest sa lugar na to. dami kasing bad feedback hirap din magsisi sa huli at di pa nmn refundable ang maihuhulog mo. ngayon maganda sana ang deal at 9 mos lng pde ng turn over at mura lng din monthly. napapaisip tuloy ako.. salamat po sa makakasagot.
Walang kwenta talaga ang ProFriends lalo na ang lancaster project nila. Buti na lang at nagresearch research ako about sa company na to at nalaman ko na napakarami pala problema dito.
Sa Crown Asia ang nakuha ko na bahay. Maganda ang kanilang mga projects at magaganda rin ang kanilang mga subdivision.
Sa mga nakakuha na sa Lancaster. Ganito na lang gawin nyo para hindi masayang ang binayad nyo. Taposin nyo nalang ang contract at kapag buo na ang bahay. Saka nyo na ibenta. Kesa naman magtapon kayo ng pera sa wala.
Pero sino ang bibili… 😦
Join the Lancaster New City Home Owners group on Facebook para po lumakas ang tinig nating mga home owners. Para sa mga suggestions tungkol sa unit po natin. Invite friends to join!
Hello po sa lahat….klangan ko po tulong nyo nkakuha po ako ng unit sa Somerset 9 daw po kc dito aq nkatira sa France….1 month plang naibayad ay yong downpayment. Naisipan kong iresearch yong company at today q lng nalaman na marami pla problema jan….if so po its not too late to backout now kysa nman ganun kadaming problema aabutin ko. Please help me decide kc ito ang recent blogs n nkita ko. Salamuch po
Hi did u continue with the house? Are you planning to sell? Pls let me know. Gnelc_214@yahoo.com
Join the Lancaster New City Home Owners group on Facebook para po lumakas ang tinig nating mga home owners. Para sa mga suggestions tungkol sa unit po natin. Invite friends to join!
nakakapang lumo ang mga feedback.. maraming salamat sa naglakas ng loob para maibahagi to..nakakalungkot lang at kung bakit may mga ganung klase ng kumpanya na pera lang ang iniisip.
sana ma-ban sila sa pagibig,at mga banko dahil sa dami ng reklamo sa kanila.
at higit sa lahat, karma sa mga nanadyang manloko profriends
Ask ko lang kung ok ba s manchester village nila? So far ang mga complaints n nababasa ko ay s kensington.
2nd inspection sana namin this June 7… Sakto sana kasi umulan ng malakas kahapon… Pero ng notify si profriends, cancelled daw.. Resched na naman kami. Sa KS4, Diana kinuha namin ng husband ko. Since 2011 pa kami, nung preselling pa lng… Matagal dn kaming ng- antay..
Bat parang ang tagal ms nikki bago na turn over sayo kung nung 2011 pa nyo nakuha, ano po ba yan sa inyo bank loan
Hi,
Ung Somerset 1 po ba binaha? Salamat!
hindi ko po sure… sana makatulong ang ibang readers… please comment on this…
Hi. Gusto ko lang ishare yung nalaman ko about Lancaster New City at sa Developer nito na PROFRIENDS. April 13, 2014 nung nagpareserved kami ng Diana Unit sa Kensington Phase 22. My family and I were so excited kaya nagdown na agad kami amounting to 10,000.00. Nung una palang tinanong na namin yung agent na kausap namin kung bumabaha sa Lancaster, they kept on telling us na its flooded free. After a week, today April 17, 3014 when I gathered some research about Lancaster New City at Nakakapanlumong badahin ang lahat ng blogs at complaints ng marami about sa Lancaster New City especially in Alapan, Imus Cavite kung saan located yung unit na pinareserved namin. Lalong nakakapanlumo nung makita ko yung mga photos na sobrang baha at blogs na nagcocollapse yung mga bahay dahil hindi maganda ang pagkakagawa ng developer which is PROFRIENDS. Here’s the blogs at sana makatulong ito sa mga katulad ko na nagbabalak at nagbalak kumuha sa Lancaster at under ng Profriends. http://lancasterresidences.blogspot.com/2013/09/how-to-prevent-being-scammed-by-real.html?m=1 or http://lancasterresidences.blogspot.com/2013/08/lancaster-estates-flooded-again-on-2013.html?m=1
You can also check this fb page kung san nakaupload ang video ng ABSCBN tapat na po at GMA Imbestigador na tumutukoy sa Profriends.
https://m.facebook.com/profile.php?id=830267093655996&tsid=0.6982980333268642&source=typeahead
Sayang lang ang ibabayad natin sakanila. Habang tayo nagpapakahirap para lang magkaron g sariling bahay, sila tanggap lang ng tanggap ng bayad at worst pag dating ng oras ng pag turn over, marami silang dahilan at alibi na sadakit ang ulo mo. Napag alaman ko din sa HLURB site na walang License to Sell sa Kensington Phase 22 kaya para saan pa kung itutuloy namin ang pagbabayad sa Unit na nakuha namin kung wala naman pala itong papeles. Sayang ang pera at oras para sating nangangarap lang naman magkaroon ng sariling bahay. Sana suklian man lang nila ng maayos na serbisyo.
x Hindi matibay na bahay
x Bumabaha
x No License to Sell
x No refund kaya habang maaga pa, dapat ng matauhan.
Sayang ang 10,000 na reservatuion namin at sana marefund pa namin ito. Kung hindi man, atleast kahit pano nalamam namin ng mas maaga at hindi na nadagdagan pa yung pera at oras na sinasayang lang namin para sa lintik na unit na yan at Profriends. Makonsensya kayo. Puro sakit lang ng ulo ang binibigay nyo samin.
Sa mga kukuha at kumuha ng unit sakanila, makatulong sana ito sainyo.
Salamat po sa pagbabahagi ng karanasan, sa tingin ko po, lahat tayo ay mayroong pananagutan sa kapwa natin… Sa kahit anong paraan dapat tayong tumulong at ito po marahil ang isa sa mga bagay na dapat nating gawin… Tayo man po ay nakaranas ng hindi maganda, paalalahanin na natin ang iba na hindi sa atin magaya…
Hi po! nakapagpareserve po ako ng unit sa Kensington Phase 17. magbababayad na po ako ng first downpayment ko sa March 20. binabaha ba dun? Thank you 😀
Goodluck po sayo. Tulad ko nagpareserve na din kami sa Kensington Phase 22. Huli na nung magresearch ako about sa lancaster at profriends. At gusto ko ng magback out bago pa mahuli ang lhat. Hindi matibay ang pagkakagawa, bumabaha at marami pang problema ang naresearch ko. Hayst
Hi, baka po matulungan nyo ako, ofw po ako, nakakuha po ako ng unit sa lancaster pang 18 months na po akong naghuhulog, di po ba dapat by this time ma turn overna sa amin yung bahay namin, ask ko lng po kung may alam po ba kyong pedeng mag send ng email for inquiry para po maka pag folow up , maraming salamat po
Nacheck nyo na po ba kung may nakatayo ng bahay sa nakuha nyong place? Pwede nyo po iview sa wikimapia. At kung may license to sell na yung unit nyo. You can check at HLURB online inquiry. Profriends din po ba ang developer nyo? Pwede nyo search sa google para makuha contact details nila as well as emails.
Maraming marami pong salamat sa kasagutan nyo, sa ngayon po wala pa di pa po namin nakikta kung may nakatayo na, actually po pinapa punta ko ang mother ko sa main office nila sa mandaluyong para mag inquire, ano po ba yung HLURB para maka pag check po ako dun sa sinasabi nyo po, kasi gusto ko ding malaman at maka pag follow up sa kanila mismo para alam ko din ang nagyayari, nag try po akong mag message sa fb nila pero noted lng po ang naisagot sa akin, maraming salamat pong muli..God bless po..
hi sa kensington phase 1 po ba binabaha din..
please reply asap..
thanks
hi,
Naaliw ako s mga nabasa ko d2 at the same time marami tlaga akong nalaman tungkol sa lancaster, kmi ng asawa ko gustong kumuha dyan. Unang una nag seminar ako dyan bilang agent ang sarap makinig nakaka inganyong kumuha at magbenta ng bahay maganda ang mga kwento at ung mga taong partners ng profriends-lancaster sabi pa nga isa si manny pacquiao ang partner ng profriends-lancaster ewan ko lng kung tama ang pagkaka dinig ko. May paliwanag pa nga kung bakit dw bank financing at hindi pag-ibig. dahil dw ang pag-ibig ay nalulugi na kya dw bank financing ang banat nila…marami silang paliwanag about that pro yan lng ang na tandaan ko pagkalugi ng pag-ibig. Pro s kabila ng mga inakaka inganyong salita at magagandang model houses na nakita ko, hindi ako nagtuloy kc hindi ko kya mag agent, daming taong sasagutin ang mga tanong at mga reklamo kya hindi ako nagtuloy..Mother ko nlng ang nagtuloy sya nlng ang tlagang nag agent dyan…after 2 yrs. gusto ng kumuha ng asawa ko ng bahay dyan sa lancaster, nabanggit ko s mother ko n kukuha na kmi ng house dyan s lancaster, pinigilan ako ng mother ko sabi nya “wag na kyong kumuha dyan, hindi matibay ang pagkakagawa ng bahay, marami n akong clients ang nag backout dahil nalaman nilang hindi maganda, maganda lng ang model houses nila.” ginawa ko nag research ako yun nga nakita ko nga n n i feature sila sa imbestigador ni mike enriquez…may mga residente dun n sisingsisi dahil kumuha sila dyan.
Kya ung gustong kumuha ng house s kanila mag isip isip po muna kyong mabuti at mag research at baka mahulog kyo s mga pang akit nila. Ilang taon na pro wla pa din silang maayos n tugon dito.
Salamat Bannie sa iyong pagbibigay ng pahayag… Makakatulong ito sa mga taong nangangarap ng magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagbuo ng maayos na tahanan… 🙂
Mabuhay ka!
By the way, sa tingin ko, hindi nila partner si PacMan, kung totoo un, una palang, naglagay na sila ng banner na ganon nga kasi base sa obserbasyon ko, masyadong showy ang Profriends… Lahat ng pwedeng pagkakitaan, gagawin… Lahat ng pwedeng gawin para maging maganda ang imahe at matakpan ang kanilang pagkukulang, gagawin… At kung kasosyo nila si Manny, malaking plus un para mas maraming bumili… Opinyon lang naman 🙂
May nakausap ako sa pag-ibig, tinanong ko bakit hindi sila affiliated sa profriends sa house financing.. Sabi nya, pag-ibig daw mismo ng pullout sa developer kasi sa dami daw ng kaso about substandard na construction tsaka magulo daw internal process ng profriends…
Hello po,
Kakukuha ko lang din po ng unit sa lancaster phase 21, catherine po yung nakuha namin, sa february 2014 po ako maguumpisang maghulog ng equity, nung tripping nagustuhan ko nman yung place, hindi ganun kalayo sa work ko, affrodable nman yung house, magaganda ang amenities like the schools, mall, church, hospital, shuttle, etc. mabait din actually yung agent na kausap nmin..kaso parang madami po akong nababasa na negative comments about sa lancaster and pro friends, like binabaha daw yung area, hindi daw matibay yung pagkagawa ng mga houses, delay and matagal daw ang process bago maturn over sayo yung house, etc..yun tatlo na yun lang nman ang specifically concern ko para ituloy to, first investment ko rin kasi to and ayoko nman madisappoint and mapunta sa wala, please can I have your advise po habang d pa ko nag uumpisa sa paghuhulog sa equity.
Thanks..:)
Magandang Araw po Rhoanyuri Pascual!
Totoo po, maganda ang place, convenient, may libreng shuttle pero hindi po natin alam kung hanggang kelan ito libre. Ang alam ko po po, kasama lang ito sa Marketing and Sales Strategies nila, pampapogi kumbaga habang nagbebenta :). Totoo pong nakakabighani rin ang mga pasilidad- nariyan ang St. Edward, Lancaster Square at Clubhouse na ang tawag nila ay Country Club (pala). Inform lang po kita baka hindi sayo nasabi, ang Country Club ay hindi pa kasama sa babayarang monthly dues, halimbawa ang HOA ay P500, magdadagdag pa po kau ng P150 para sa Country Club at kung may linear park na kasama ang unit nyo, add’l P100 po para sa maintenance. Ang mga agent naman po, mababait lalo na sa umpisa. Swerte nyo po kung tulungan nya kayo sa oras na magkaroon na ng aberya.
Sa binabaha, may mga place po na binaha dito, di ko lang po alam kung kasama un area ng unit nyo. Ang pagbaha naman po ay dahil lang naman sa panget na drainage system nila pero sa tingin ko, maayos naman ito kung aayusin nila ng husto. Totoo po na marami pong reklamo sa units. Sa Village po namin halos lahat tumagos ang tubig sa pader nun bagyo. Halos lahat din po, tumulo ang tambol at panget ang CR :(. Tungkol naman sa delay, kami man po ay naranasan namin yan, kung babasahin nyo po ng buo ang rebyu ko, marami po sa kakilala, nakausap at nag-post sa blog na ito, maging sa iba pang blogs ay pareho ng naranasan namin.
Maganda po ang model houses nila at kung nakapili na po kayo ng unit, dapat po na makita nyo ang mismong bibilhin nyo, maski wala pang naitatayo, maski man lang ang lote. Kung ayaw po nila ipakita, doon na po kayo magtaka. Eye candy po talaga ang model houses nila.
Kami po maayos na po kami rito. Hindi dahil maligaya kami sa nangyari sa amin at nakuha namin kundi dahil sama-sama kaming pamilya at positibo na lang ang aming iniisip. Gusto ko rin naman ang lokasyon nito. Pero syempre, ginawa ko ang blog na ito para makatulong, maging babala sa mga taong may pangarap sa buhay… Mga taong nangangarap ng maayos na buhay at bahay…
Tama,wag mo na ituloy ang pagkuha ng bahay s lancaster dahil totoo lahat ng nababasa nyo. ako ngaun 2yrs narin nagbabayad ng kinuha naming haws s phase 6 pero hangang ngayon wala parin.kakatawag lang ng profriends sa akin at cancelled na naman sked ng 2nd inspection sana bukas feb18,2014.lahat din ng galit at sama ng loob nararanasan ko na at since nakita ko na mga post na ganito. .we are planning to quit na.ang problema kung paano namin mawiwidraw ung nabayad na namin 250k plus na. Help us Lord!
Binaha din po ba sa Phase 7? or nagbabaha din po ba dun? kasi dun po ung unit na kinuha ko eh. Salamat po. 🙂
Wala pa po ako nakakausap na taga PH7 or nakakita na binaha sa area…
Hi! Ako din gusto ko din magshare ng comment. May nakuha kming unit sa KS2. Nasa 24 months na kami simula kinuha ko ung unit. Ang daming pangit na pangyayari habang kming nararanasan, until now wla pa kming ATM, then ung meterbase namin naikabit sa ibang unit, one month ago na ng iraised namin ung nangyari, hnggang ngayon di pa okay, we keep on calling sa village admin since taga maynila nga kmi nung una ang sabi okay na daw na ilagay sa tamang unit pro nung puntahan nmin wala pa daw dhil di din kmi pinyagan pumunta sa unit, after a week tinawagan uli namin.. so sad hindi pa din. Hindi namin alam kung saan hihingi ng tulong pra dito. Nakakapagsisisi na kumuha kmi ng haus dito lalo na nalaman namin na kawawa ang KS2 sa baha… un n nga lng ang kaya namin mkuhang klaseng haus which is townhouse, magiging bangungot pa ang pangarap nmin..:(
i am really saddened sa mga nababasa ko dito and kahit hindi kami tumuloy kumuha ng unit sa profriends e i can feel for you all… you know what i did i post a comment on one of their ads sa fb maybe we can also help others not naman saying all the things i just warned them to check first everything and interview people before buying para hind magsisi sa huli… buying a house is not easy and this is everyone’s dream… kaya nakakalungkot talaga na sa ganyan kagaling na marketing ng profriends e very poor ang customer service and after sales service nila, kasi sa umpisa ang galing ng mga agent super asikaso diba after they get the sales wala na… kakaenganyo kasi ang ganda ng packaging nila e…
Tama ka Jen, hindi naman sa naninira ka pero syempre, gusto mong makatulong sa kapwa mo. Ganyan din ang inisip ko kaya ginawa ko ang blog na ito, kasi syempre, ibang usapan na kapag bahay na pinapangarap mo ang bibilhin mo, lifetime investment yan kaya dapat pag-isipan at hanggat maari, perfect lahat para sa iyong pamilya :). At saka, totoo naman kasi na super sa galing ang Marketing people ng PFI, saludo ako sa kanila pero once nakuha na nila ang pera… Kawawa ang buyer :(. Kung titignan mo ang ganitong gawain, iisipin mo na napakawalang konsensya ng kompanyang ito. Pera lang talaga ang habol… Nakakalungkot talaga 😦
Magandang Araw Jelahrose23!
Sana naayos nyo na ang problemang ito… Hindi makatarungan ang hindi nila pagpayag na makita nyo ang unit. Kailangan syempre ma-verify nyo kung nakabit na nga ang meter base. May deadline rin kasi ang Meralco. Ung kapitbahay namin, pinagbayad pa sila ng Profriends para makabit pa ang meter base nila which is maling-mali at ilegal. Huli na ng malaman ko iyon kaya hindi ko sila natulungan 😦
musta po, ung ks5 po ba marami ng nakatira, binabaha din po ba dun,tanx po God bless po
Wala po akong direct na kilala sa KS5 pero baka katulad din po sa KS2 ang nangyari sa kanila…
Magandang Araw sa Lahat 🙂
Sa mga nagtatanong po kung bumaha po sa Kensington last time- may nakausap po ako na taga KS2, bumaha raw po, pumasok ang tubig sa bahay nila pero ito ay dahil lang daw po talaga sa drainage na may harang at sa sobrang dami ng tubig na nilabas sanhi ng Habagat at bagyo. Pero mabilis lang daw na humupa ang bahang iyon… Hindi ko po ito nakita o nasaksihan. Ito po ay base lamang sa kwento ng kakilala kong nakatira mismo sa KS2. Salamat po!
pwede po bang malamang kung anu po yung eksaktong naging problema nio sa lancaster sa mismo po bang bahay yun? me mga narinig po kasi ako na me mga tulo sa bubong at hindi maganda ang pundasyon kasi parang tinipid dahil mura sia kung tutuusin tapos ang ganda kasi ng packaging. we went there before ako umalis ng bansa at buti naginterview muna ko ng mga friends pero puro kwento lang din ang meron sila not firsthand experience kaya i just want to know if these stories are true. thanks po. now we are looking at amaris homes sa me molino nalang, anyone can give advise or comments about amaris also. thanks in advance.
Hi Jen, yes, personal experiences ko po ang nakasulat sa portion ng REBYU sa blog na ito. And yes, sa amin pong bahay ang nagkaroon ng problema. Thanks!
i though i have replied you on your last comment. but anyways thanks for this… super haba hindi ko na natapos but its worth reading naman hehe… will pray for your family’s safety and sana maayos na lahat ng concerns nio… so you can really call your house… a Home! This really serves a lesson for me na before kumuha ng house tlaga e magtanong at magresearch ng maigi before really deciding…
Tama ka po 🙂 at sa ngayon kahit may mga problema pa, masaya na rin kami kasi sama-sama naman kaming pamilya sa aming tahanan (home)… 🙂
Hi there, thank you so much po at may nakita akong blog na ganito regarding pro friends, iam an ofw po dito sa qatar, may nakuha po kaming unit jan sa kenningston yung catherine model, actually po, 1 yr na po akong nakakapag hulog, medyo di lang po malinaw sa akin yung turn over time nila, since kinuha ko po kasi sya thru in house, gaano po ba talaga katagal bago ka maka move in or bago ka pwedeng tumira, is it 15- 18 months ba orpag natapos mo ng bayaran ang downpayment tsaka lng nila gagawin yung bahay mo, i wenton vacation last april, justo to see sana yung nakuha kong haus kasi yung sister ko lng ang pinag aasikaso ko, but sad to say yung ahente ko di ko na ma contact, i triedcalling her, or email her pero wala ng reply. Syempre naman po bilang nag papgod mag trabaho sa ibang bansa gusto mo ring makita yung pinaghihirapan mong bayarang bahay, kasi po gusto ko po sanang magbakasyon next year, so sana pag nagbakasyon ako bago ko i file e nandon na din yung bahay ko, i would really appreciate kung ma i she share nyo po yung experience nyo, regarding sa move in issue..thank you so much for taking time to read my side….
Magandang Araw Sayo Ehmy!!!
Una sa lahat, binabati kita sa iyong pagpupursigi na magtrabaho at mabuo ang iyong pangarap. Sana kapag nakaipon ka na, dito ka nalang sa bayan natin, mag negosyo at pagyamanin ang iyong sarili at pamumuhay 🙂
Anyway, sa in-house, hindi ko alam kung pareho pero base sa experience namin at sa mga taong nakakausap namin at kakilala namin dito sa village, walang natupad na 15-18 months na naka move in na agad. Usually, after mong mabayaran and down payment, doon pa lang nila sisimulan asikasuhin lahat pero most of the time, tapos na talaga ang bahay, bawal lang nila ipa-inspeksyon for whatsoever reason. Alam ko po ang KS po, marami ng gawang bahay doon, in fact, may kakilala nga po kaming nakatira doon at nakabisita na rin po kami sa Village nila. Kung 1 year na po kayong nakabayad, I suggest, na mag follow up na po kayo na mag inspect, pwede na po iyon para po by the time na tapos na ang equity, madali na po kayong makapag request ng ATM (Authority to Move In).
Ingat po kayo jan and God bless you more!!!
hi gud pm, ask ko lang po binaha rin po b s manchster 3 ng lancaster nung bagyong maring?
Wala po akong idea… wala po kasi akong kakilala doon… i-post ko po kung may mapagtananungan ako…
Hello po, tanong ko lng po kung pinapasok ba po ang loob ng baha ang ngbahay sa lv1 haven? Pti nrin po ung sophie? binabaha ba po un? At gaano kataas? thanks po 🙂
Pasensya na Rose, hindi ko alam kung pinasok ng tubig sa LV 1, sana may mag-share para malaman din natin…
musta po un pong sa ks6 po ba binabaha din.at marami na po bang nakatira na.tnx po God bless
good afternoon, may unit kami kinuha sa may somerset (margaret) and matatapos na downpayment. would you know kung bumabaha din po dun. thank you…..
Magandang araw Sheila… hindi ko po alam kung binaha o binabaha po doon eh… pero sa tingin ko naman po, dahil lang talaga sa drainage system kaya binabaha ung area dito na gawa rin ng Profriends pero po, pede pa naman ma-resolba sa aking palagay… sana,,,
a good read regarding tips on how not to get scammed by developers, brokers and agents
http://lancasterresidences.blogspot.com/2013/09/how-to-prevent-being-scammed-by-real.html
Salamat po sa link… sa totoo lang, mas magandang wala ng bumili ng unit dito ng hindi na nila maranasan ang nararanasan namin… hanggang ngayon kasi, kinukunsumi pa rin nila kami 😦
Good morning. naghahanap din po ako ng bahay. ang inoffer sa akin at nacheck ko na ay yung venue ng LV2 (Lancaster Village Phase 2). okay po ba yun area kung binabaha? any suggestions please. mayroon po ba dito na kumuha na dun sa LV2? Thanks,
Hello Mico,
Kaya binaha ang LV2 ay dahil sa drainage system nito pero kung maisasaayos ito, kung may tottong HOA officers na, siguro matututukan ito. Ung gitna ng daan lang po ang binaha as far as I know pero ung mga lugar na may daluyan ng tubig gatalampakan lang po ang tubig at humupa rin ng tumigil ang ulan… Pero sana may mag-share rin na iba ng experience nila sa LV2 para mas makapag-desisyon po kayo ng maiigi.
Hi. May loan take out na kame from bank. Agter 5mons my first inspection na kme sa oct.26. Kaso ngayon nakita namin na binaha un lr manor. Un un kinuha namin, sobrang nanglumo kame and we are requesting pfi na itransfer kame before we issue pdc. They told us na bibigyan kame feedback today pero ala kame nakuha. Sobrang dami ng hassle and disappointment. Pano namin namin tatanggapin na un paghihirapan namin e binabaha 😦 anyone here from phase 5 of manor lr? Kayo nga magsabi kung totoo inabot sa loob ng bahay ang baha. Thanks
Hello Julie!
Sad to hear that, wala akong balita sa area nyo eh pero sana makatulong ang blog ko para matugunan ang mga katanungan mo. Sana po ay may mag-share na taga-doon para po mas malinawan kayo…
just file a formal complaint sa lancaster para maasikaso na ang mga dapat na maasikaso. be safe po.
Magandang Araw sayo Foobarph!
Nagawa ko na iyan bago ko pa man po simulan ang artikulo ko tungkol sa mga karanasan ko sa Profriends 🙂
Pls check link to see pics during maring FLOOD FREE po tau! http://lancasterresidences.blogspot.com/2013/08/lancaster-estates-flooded-again-on-2013.html?m=1
http://lancasterresidences.blogspot.com/2013/08/lancaster-estates-flooded-again-on-2013.html More pics here. Flooded Diana units at KS1
Sa Lancaster Residences Phase 5 po ba binaha? If yes, hanggang saan po ba (e.g. knee-level)? Salamat!
Alam ko po hanggang tuhod… pumasok po sa bahay pero nawala rin po agad…
Ma’am,
Salamat po sa reply 🙂 malaking tulong po! God Bless you po.
hi po..nakakuha kmi unit sa manchester phase 5..nag aalala ako kung naabot ba ng baha din ..wag naman sana..sana mabigyan nyo ako ng hint man lang..thanks a lot
Magandang Araw Sayo Mon!
Wala akong alam na feedback kung binaha sa bandang doon eh… Sorry 😦
Flood free tau check link http://lancasterresidences.blogspot.com/2013/08/lancaster-estates-flooded-again-on-2013.html?m=1
Hi,ok po ba jan sa lancaster?sana po may name na agent na di kayo inasikaso para aware kami.baka isipin ng nakakarami na lahat ng agent ng profriends ay pare pareho na nang iiwan.
Magandang Araw Sa’yo Xyrish!
Kung mababasa nyo po ang iba kung mga tugon, makikita nyo po na hindi ko nilalahat ang mga agent, kaya nga po sinasabi ko sa kanila na magpasama sila sa mga agents nila at kung maayos naman ang kanilang mga agents, eh di mag-go po sila. Kung mababasa nyo rin, sinasabi ko rin naman na may iba’t iba tayong karanasan, na maari sa akin ay hindi maganda ngunit sa iba ay okay naman… :). Of course, sa tingin ko naman po ay alam naman po ng nagbabasa ng blog na ito na hindi naman lahat ng agents ay pare-pareho. Naniniwala po ako na matatalino at matitinong tao po ang nagbibigay ng oras para magbasa ng mga reviews na ganito. Alam ko, may mga blog site na, naglalagay ng mga agents na okay o hindi.
Dito naman po sa akin, malaya nilang sabihin ang mga ganitong bagay :).
worth it pa po ba na tumuloy? ang kinuha ko po ay sa Kensington phase 21.. tsaka ok lang po bang magpasama sa inyo sa loob ng subdi kung hindi po kayo busy minsan? gusto ko lang pong ma-assess yung lugar.. since may policy po sila na hindi pwedeng makita yun, impossible po para sa mga buyer na tulad ko na evaluate man lang bago tumuloy..
hoping for your favorable response po..
Magandang Araw sa iyo Ivan D!
Gusto man kitang tulungan kaya lang naka-bed rest kasi ako tsaka hindi ko rin po gaano familiar sa Kensington. Pero pede na po pumasok ang kahit sino dun, last time po kasi dumaan kami doon eh…
Salamat po ng marami. Hindi po b ako hahanapan ng ano mang document sakaling pumasok po ako dub?
Kung may nakatira na doon sa mismong subdivision (Phase and/or Block), diretso ka lang or sabihin mo lang ung block mo. Pero sa nakita ko before, halos lahat gawa na sa Kensington and may mga ginagawa na. Pag may time and lakas ako minsan, daanan ko 🙂
Flood free check link http://lancasterresidences.blogspot.com/2013/08/lancaster-estates-flooded-again-on-2013.html?m=1
Hi Ivan, kakukuha ko lang din ng unit jan sa Kensington..paki update mo nman ako sa mga experience mo jan if ever..thanks
Thank you so much. Maraming tulong to. Lalo po ngayon na kaya kami bibili ay dahil ikakasal kami next year. KS po kami alice phase 10, Ngayon po may alam po ba kayo na good subdivision jan sa cavite na hindi binabaha? Thank you po ulit.
Wow! Binabati kita sa nalalapit mong pagpapakasal 🙂
Hindi ako sigurado, pero sa tingin ko, hindi binaha sa Veraneo at Antel Grand, along Kalayaan din ito, papunta rin sa Lancaster (bago mag-Lancaster from Centennial Road).
By the way, may nakausap kaming taga Lancaster Residences, pinasok daw ang first floor nila pero hindi naman grabe. Drainage system lang talaga ang naging problema 😦
Thank you po. Get well soon.
hi ma’am , maguumpisa pa lng kami ng equity namin at hindi ko po alam kung itutuloy ko pa.. alice po sana yung unit namin at corner pero sa mga blogs na nabasa ko nagdadalawang isap na po ako. Need po namin ng advice K10 po pala yung unit namin
Magandang Araw Dee-J!
Unang-una, ano po ba ang nagustuhan nyo sa Lancaster? Nakita nyo po ba ng aktwal ung unit na bibilhin nyo? Maayos po ba kausap ang agent nyo? Ito po ay opinyon ko lamang at bahagi lang po ng karanasan ko sa pakikipag-transaksyon ko sa kanila, iba-iba po tayo ng maaring maranasan. Kaya ko po ibinahagi ang blog na ito ay upang maiwasan na ang mga ganitong sitwasyon o upang malaman nila ang dapat gawin sakaling, isa sila sa mga taong sawi sa pakikisalamuha sa kanila….
Noong una po, akala ko sa KS maganda na at maayos na ang kanilang pakikitungo sa mga tao pero noong mga February ata yun, nasa head office kami, marami pa rin palang sakit ng ulo silang nararanasan :(. Ang nasa isip ko kasi, sa LV1, LV2 at Lancaster Residences eh marami na silang natatanggap na reklamo, since itong mga ito ang nauna, inakala kong matututo na sila at gagawa na sila ng aksyon para sa mga problema, pero ganun pa rin po pala :(. May kaklase rin po ang anak ko na kumuha sa KS although di ko sya gaanong nakausap ukol dito pero ang sabi nya, nitong nakaraan nya lang tinanggap ang bahay sa dami ng aberya at kapalpakan :(.
Sa totto lang po, may kamag-anak po ako na gusto rin sanang bumili sa Lancaster para nga po magkalapit kami kaya lang po, dahil pinahahalagahan ko sila, kinausap ko sila maagi na kung maari sa iba na lang sila kumuha, ayoko po kasing sumakit din ang ulo, puso at damdamin nila ng dahil sa pangarap nilang magkabahay ng tahimik at maayos.
Hi mam.. sorry ah.. gusto q lng itanong sau.. kc balak nmen kumuha ng margareth dyan sa lancaster.. ang naoffer smen is sa somerset phase 16 or phase 8.. binabaha ba dun tlga?
Tska bawal kc mkita ung unit khit gawa na xa.. nakakapagduda kasi.. is it a good deal o nde?
Hindi ko po alam kung binabaha sa area na yun. Ayoko pong magkomento sa hindi ko naman aktwal na nakita. Kung may choice pa kayo, kung ako po ang tatanungin nyo… Please consider it… Mas mainam na po na tumingin pa po kayo sa iba…
hi ma’am,
i hope ok na po situation dian sa lancaster… ma’am thanks po sa reply pala dun sa isang post ko 🙂 may follow up question po ako, pwede na po ba ako mag pakabit ng meralco kahit wala pa pong move in? yun po kasi sabe saken sa main office, pwede na daw po meralco pero tubig di pa daw, wait pa ng ATM. Ask ko n din po sana email ni Chairman Choa, to bring up our complaints, until now po kasi wala pa din action mga request ko sa CRG 😦 nakakasakit na talaga ng ulo at damdamin pag nafofollw up ako…
Magandang araw muli sayo Primerose!
Oo, tama ang sabi sayo sa head office, pwede ka ng mag-apply sa Meralco, i-double check mo maagi kung sa Bacoor o Rosario ka mag-a-apply ha. Ung mga requirements, naka-attach dapat un sa binigay sayo ng head office. Pero once na nag-apply ka sa Meralco, punta ka agad sa Village Admin para ibigay mo ung meter base na ibibigay sayo ng Meralco once na nagbayad ka. One month lang ang validity ng application mo so make sure na i-follow up mo sa Admin. Kapag sinabi nilang 2 weeks, after a week pa lang mag follow up ka na. Huwag mo ng hintayin ang dalawang linggo kasi ang 2 linggo sa kanila, halos isang buwan. May ibibigay naman sayong step by step procedure ang Meralco, ang mahirap lang jan ay ang pagkakabit ng meter base ng Profriends kasi baka puntahan na ng Meralco, tas wala pa pala, i-re-resched na naman nila. Make sure din pala na ung nakalagay sa meterbase na SIN ay tugma sa ikakabit nila at may nakasulat na Block and Lot sa poste na malapit sa meterbase nyo. Ang nangyari kasi samin, hindi ko alam kung nawala nila o naikabit nila ang meterbase namin sa iba, so ung sinulat ng Meralco na SIN sa meterbase namin, hindi tugma, nun nagpunta ang Meralco, invalid, na-delay kami :(. Nakalagay naman sa tamang poste pero ung SIN, mali. Ang alam ko kasi, tama ang ikakabit ng Admin :(. Tas inemail ko sila, sabi ko na dahil hindi sa amin ung meterbase na ikinabit nila, baka may mawalan ng meterbase ng dahil sa amin, ayokong maranasan nila ang naranasan namin….
And yes, hindi ka pa pede sa tubig pero don’t worry, mabilis lang ang Southlink, maximum of 7 days, makakabit na nila yan ang matagal ung pagkakabit ng tubo ng Profriends from the water metre to your home.