
Flor and Zephy
Marami sa aking mga kaibigan at pinsan ang sobrang hilig sa pocketbooks noong nasa high school ako. Nabibilib ako sa kanila at kaya nilang tapusin ang isang nobela sa isang upuan lang. Naalala ko pa nga ang kaklase kong nahuhuli kong nakatago sa libro ang kanyang binabasa na akala mo’y tutuong nagbabasa ng leksyon habang nagtuturo ang aming guro. Ako wala akong kahilig-hilig. Minsan nanghihiram ako pero wala ata akong matandaang natapos ko
. Natatandaan ko lang pag inilalarawan nila ang mga bida eh parang hindi mga tao. Para bang mga diyos at diyosa. Lahat magaganda, lahat gwapo. Nakakainggit lang… hehehe!
Noong unang labas ng Precious Heart Romances Present, hindi rin ako na engganyo hanggang sa panood nood, palipat-lipat ng channel nagustuhan ko rin. Nakakatuwa rin pala. Nakakakilig at times at makaka-relate ka pa kung minsan. Hanggang sa napanood ko nga itong Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin, ang pangalawang episode/kwento ng PHRP. With this story, I now know kung bakit kinahumalingan ito ng mga kakilala ko.
I like Toni Gonzaga ever since and I like her more because of this. Lalo niya akong napahanga sa kanyang kapasidad na umarte- magdrama at magpatawa. Simpleng pag deliver ng diyalogo, nakakaaliw na sya. Samahan pa ni Janus del Prado na ngayon lang ata gumanap na bading sa isang palabas. Hindi ko akalaing magagampanan niya ng maayos ang pagiging bakla. Si Derek, hindi ko siya talaga gusto. Oo, magaling siya umarte, matipuna at gwapo naman daw pero kumbaga wala siyang appeal sa akin. Naasar pa nga ako kapag nababalitang nag-aaway sila ni Angelica Panganiban, sinasabi ko, ang swerte swerte na nga niya kay Angelica. inaaway pa
. Pero sa palabas na ito, bigla kong nagustuhan na si Derek. Ang cute kasi ng role niya. Nakakatuwa sila ni Toni. Maganda ang chemistry nila at bagay na bagay kay Derek ang role. Nakakakilig lalo na kapag hinahabol niya si Toni at sinasabi niya kung gaano niya kamahal ito.
Sa istorya naman, okay sya. Talagang nakakaaliw at mababaliw ka. Syempre may mga dagdag na ang script writers ng programa buy I guess, nakatulong din talaga ang magaling na direktor na si Wenn Deramas na alam naman nating pang box office ang drama.
Hay nakakatuwa talaga si Flor at Zephy!!!