Maraming ibig sabihin ang pag-ibig. Marami rin ang uri nito.
At isa sa pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng isang ina sa anak.
Ang ina sa pagdarasal, ang mga dalangin niya ay napakamakapangyarian. Bakit? Dahil ang panalangin niya ay may kahalong pagmamakaawa na dingin ito ng Panginoon lalo na kung nasa matinding pagsubok ang kanyang anak. Hindi niya inuuna ipanalangin ang kanyang kaligtasan bagkus pinagninilayan muna ang dapat sabihin upang maisaayos at maging ligtas ang anak sa lahat ng oras.
Ang ina kapag may pera, hindi iniisip kung magkakaroon ba siya ng bagong gamit o alahas. Una sa listahan ang pangangailangan ng pamilya. At kung may sobra, magandang sapatos at napupusuang laruan ng anak ang kanyang ikasisiya.
Ang ina, sa hapag-kainan, hindi nauuna sa ulam, tinitignan muna kung sapat ang hinain sa kanyang mag-anak. Maliit na parte ang ihahain sa kanyang pinggan upang makita na busog at masigla ang anak sa tuwina.
Ang ina, sa pagamutan, huling nagpapasuri. Inuuna ang mga mahal upang mabili muna ang kanilang mga pangangailangan. Hindi na baleng walang gamot o bitamina sa kanya, mapunan lamang ang pangangailang ng mga anak. Ngunit, talagang kakaiba ang nagagawa ng pag-ibig ng isang ina, sa buong pamilya, kadalasa’y siya ang huling tamaan ng sakit at kahit mahina at may karamdaman pa, makikita mong laging may reserbang enerhiya. Magandang resistensiya ang hatid ng tunay na pag-ibig ng isang ina.
Ang ina madalang nating marinig na may iniinda. Para sa kanya, ayaw niyang mag-alala pa ang mga anak.
Iba’t iba ang ugali ng ina. Iba’t iba ang paraan ng pagpapalaki nito sa kanyang mga supling pero ang pag-ibig ng ina ay iisa… walang hanggang at walang katulad!
[…] Sanaysay tungkol sa dakilang ina ni Pinay Ako […]
Saranghaeyo!! Ako po pala si Kim Hyeng, 13 years old and I’m half filipina and half korean!! We’ve been here in Philippines for almost a year. I’m sorry if some of my tagalog grammar is incorrect and this is my comment:
Naka iyak po ang inyong sinulat. It’s very heart touching. Bigla kong naintindihan ang ginagawa nya na wala na syang oras para sa amin dahil she’s teaching so that she can give us our needs at why pa ba she’s working if seaman naman c daddy…yun pala, para sa amin para she can give our needs for us. Thank you!!
na touch ako 😦 sobra wla na kung masabe kundi salamat sa nag sulat nito 😦 thank you !!! 😦 🙂 🙂 ❤
I’ve been browsing on-line greater than 3 hours nowadays,
yet I by no means found any interesting article like yours.
It’s lovely price sufficient for me. Personally, if all web owners and
bloggers made just right content as you probably did,
the web will be a lot more useful than ever before.
Great web site. A lot of helpful information here. I am sending it to a few
friends ans also sharing in delicious. And obviously, thanks to your sweat!
All the interactions along with customers were actually spammy and
also made in order to get you to get readings.
Seseorang dasarnya bantuan untuk membuat kritis artikel saya akan negara .
Ini adalah yang pertama kalinya saya sering dikunjungi halaman web dan sejauh ?
Saya kagum terkejut dengan analisis Anda dibuat untuk
membuat ini sebenarnya mengirimkan luar biasa.
Fantastic kegiatan !
Ganitong ganito si nanay 😊😊
Aww miss you na po nay 😟
I was so touch. It reminds me back the time with my Mama. Now that my Mama already gone. Iba pa rin ang Ina. Mother is a Mother. Thank you mama for those 42 yrs being with us. We love and miss you so much!
Ako, bilang isang anak, napakarami kong pagkukulang sa aking ina. Hindi ako showy na anak pero siya, kulang na lang ipagsigawan niya sa mundo na anak niya ako. Hindi ko man lang maparamdam sa kanya kung gaano ako kaswerteng naging ina ko siya.
Ang dami niyang isinakripisyo para sa aming mga anak niya pero ako, wala akong ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo niya. Minsan pa nga hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko kung karapat-dapat ba akong maging anak niya.
Dahil sa sinabi mo, ang damin tumakbo sa isip ko. At isa na diyan ang pagtanaw ng napakalaking utang na loob sa kanya. Kundi dahil sa kanya, wala ako sa mundong ito.
MAHAL NA MAHAL KITA MAMA 🙂 ❤
-Sorry. Napakahabang Komento ito 🙂
Napakaganda naman ng sinabi mo, and at least, na-realize mo ang mga nagawa mo pero sana maparamdam mo sa Mama mo na you appreciate all her effort, sacrifices and love. Minsan lang tayo mabubuhay at minsan hindi tayo nabibigyan ng pangalawang pagkakataon… Huwag natin aksayin ang oras…
Napakagandang komento ito 😃😃😃
Tama nga ang sabi nila na ang pag-ibig ng isang Ina ay walang kapantay kahit anumang mga mamahaling materyales na nandito sa mundo,siguro napapasaya tayo ng mga ito pero dadating talaga ang araw na hahanap-hanapin mo talaga ang isang pagmamahal ng isang Ina at yan ang napatunayan ko ❤
Naiiyak ako dahil habang hinay hinay ko itong binabasa unting unti ku ring naaalala ang mga bagay na ginagawa sa akin ng aking ina 😥 I LOVE YOU MAMA :* 🙂
-JOMAR’ 😉
Pasalamatan, yakapin at mahalin mo lagi ang iyong ina 🙂
Mahalin natin ang ating mga ina… 🙂
😢😢😢😢😢😢😢
at agree ako dyan sa mga sinasabi ninyo dahil ganyan na ganyan din ang aking mahal na ina at mahal na mahal ko ang akig ina!!
ang pagiging ina ay isa sa pinakamagandang bagay na mararanasan ng isang babae 🙂
Dahil ako ay isang taong hindi showy when it comes to my feelings kahit pa sa mommy ko, pero dahil mahal na mahal ko siya. dinededicate ko sa kanya ang talumpati ko na pinamagatan na INA SALUDO AKO SAYO. -Dianne Peralta
🙂
tama lahat ng sinabi mo..ganyan n ganyan ang aking mahal na ina
Natutuwa ako at dama mo ang pagmamahal ng iyong ina 🙂 Mabuhay ka!
mahal na mahal ko ang aking ina, siya ang pinakamahalaga sa aking buhay,wala nang hihigit sa kanya, katangi-tangi siyang ina na handang magsuporta saan man akong dako ng mundo. i love you nanay, from japhet ignacio to mary jane bandiola ignacio..mmmmuuuuuahhhh..
Sana mabasa ito ng nanay mo 🙂
tama nga mag ka2iba ang pag ma2hal ng isang ina dahil kahit minsan hnd q nramdamang mnahal aq ng aking ina ka2nayan lgi niya aqng inuhusgahan, at mas naniniwala p cia s iba kesa s sarili niyang ank sna mahalin din aq ng akin ina un lng aman ung gs2 kong maramda man skan eh ung mahalin niya aq
Nakakalungkot naman ang kwento mo. Napaluha ako dun. Ang hirap isipin pero siguro nga may mga taong ganun pero naitanong mo na ba kung bakit sya ganyan sau? Baka naman may ibang dahilan o di lang niya kayang ipakita sau ang pagmamahal na iyon. Kasi may mga tao talagang mahirap nilang isiwalat ang ganitong ekspresyon. Mali iyon para sa isang ina sa aking palagay pero dapat mag-usap kau ng masinsinan para maunawaan mo rin siya.
dapat mahyalin ng ina ang anak
sa pag-ibig ng tao…wala pang hihigit pa sa pag-ibig ng ina! at yan ay napatunayan ko….salamat kaibigan!
minsan madaling manghusga ng tao dahil isa siyang mahigpit manager, mareklamong boss, nakakaasar na teacher, maarteng artista o ano pa man pero one thing for sure, walang may alam kung ano siya bilang ina, ano man ang ipinapapakita niya sa iba, ang puso ng isang ina para sa anak ay di matatawaran.
walang anuman po 🙂 salamat din sa pagbisita mo 🙂