
Paalam King of Pop
Pumanaw na nga talaga si Michael Jackson.
Hindi rin ako makapaniwala ng marinig ko sa news ang pagpanaw ng King of Pop. Para kaseng wala namang balita sa kanya gaano tapos biglang bubulaga na lang ang ganitong balita. Una kong nabalitaan ito sa UKG. Sabi pa ni Pinky Webb, wala pang malinaw na balita kung ano ang nangyari sa singer ng isugod ito sa hospital. Sa totoo lang, I was hoping na sana hindi naman siya mamatay. Hindi ko naman siya talaga idolo. I just like his songs and MTV’s. I love Classic kase so nung mtv addict pa ako lage ko siyang nakikita pero medjo napasama rin ako sa MJ fever nung mag-concert sya dito sa Pilipinas sa open field sa Parañaque dahil nandoon ako.
Labing-tatlong taon pa lamang ako noon pero natatandaan ko pa ang lahat ng mga nangyari noon. Bago ka makapunta sa concert venue, maglalakad ka muna ng pagkalayu-layo tapos, may pila ulet na parang nagkakaubusan na naman ng bigas. Tapos, lalakad ka ulet para sa lugar as per your ticket. Mga 400meters away kame sa stage. Ayos na. Aninag ko na rin siya kahit maliit lang. Buti na lang kasama ko ang pinsan ko kaya nakapagpabuhat ako.
The King of Pop is indeed a King. Kakaiba talaga ang mga moves niya at talagang madadala ka sa mga effects at moves niya sa stage. Para kang nanonood ng pelikula. Madadala ka rin sa taong nagtitilian kahit mga artista parang ordinaryong tao lang dahil lahat nagsisigawan. May iba pa ngang naiiyak. Hindi mo mararamdaman na siksikan at mainit sa lugar na yon. Iba talaga ang energy ni Michael Jackson.
Matapos ang napaka-succesful na concert, nagbasa ako ng mga clippings patungkol sa kanya. Talaga ngang malayo na ang naabot ni Michael pero bukod sa kasikatan at kagalingan sa larangan ng pag-awit, mas hinangaan ko siya sa pagiging mabuti at matulungin. May mga Pilipino ring nagtrabaho sa kanya at talaga nga naman daw na magiliw ito at may mabuting puso. Kaya nga lang sa aking palagay, mayroon siyang sakit sa pag-iisip, hindi ko alam ang mga scientific term na ito pero parang may mga bagay sa loob niya na hindi niya mapigil na gawin tulad ng paglabas niya kasama ang isang baby na anak pala niya at tila ihahagis sa bintana at ang pangmomolestiya ng ilang kabataan na tinulungan naman niya. Hindi ko mawari kung anong meron sa kanyang loob pero sa tingin ko may bagay siyang hindi mailabas kaya nagagawa niya ang mga bagay na kakaiba. Hindi siya dapat siya husgahan sa kamaliang nagawa niya dahil madami rin siyang naidulot na mabuti sa kanyang kapwa at sa mundo.
Paalam Michael Jackson. May you rest in peace in the hand of our Lord!