
Jonathan, TJ and Jillian
After ng Santino, pumipikit na ang mata ko, hindi dahil sa antok kundi sa pagod. Paano ba naman, maghapon akong nakatitig sa computer kaya imbes na manood ng telebisyon, matutulog na lang ako at magpapahinga. Minsan nga tinatapos ko lang ang TV Patrol World kase masyadong emosyonal ang “May Bukas Pa”. Hindi ko na carry minsan baka maiyak pa ako pero gusto ko siyang panoorin dahil gusto kong suportahan ang mga ganitong uri ng palabas. Back to “Only You”, one time, pinanood ko siya kase marami akong nababasa at naririnig patungkol sa programang ito. Gusto kong malaman kung totoo.
Fan ako ni Angel Locsin pero hindi ko kailanman nagustuhan si Diether Ocampo at Sam Milby (kapag sumasayaw at kumakanta lang ako naaliw sa kanya
galing kaya nitong tumambling sa ASAP!!!) kaya ayokong pagka intiresan na panoorin ito. Isa itong remake ng Koreanobela na hindi ko rin napanood pero balita ko’y maganda raw talaga.
Nakakatuwa nga! Si Angel Locsin aba talagang mahusay na siyang umarte, mapa-drama o komedi. Ang bilis na niyang umiyak at magaling na siyang bumanat ng mga punch line lalo na kapag kaeksena niya si Candy Pangilinan. Hahaha!!! Funny talaga! Aside from that, noong una hindi ako naniniwala na may chemistry between Angel and Sam pero I was rong. Totoo ngang nakakakilig sila kapag magkasama at nagsasabihan ng mga diyalogo. Parang bata kasi si Sam kung titignan mo at parang love na love niya si Jillian na simpleng-simple at hindi sosyal tignan kumpara kina Iya at Dimples. Bukod pa rito, magagaling din ang mga cast ng show. Si Diether aka Jonathan, magaling naman talaga siya kaya lang hindi ko talaga siya gusto.
Makatotohanan ang acting nila dito at mabilis ang facing ng storya at kailangan tutukan mo maagi kase maliligaw ka sa mga nangyayari kung may ma-miss kang eksena. Magaganda ang feedback na nababasa ko tungkol sa “Only You” pero recentley may nabasa akong may mga anggulong hindi napapansin ang ganda ni Angel. Hindi ko sure kung ginagawa pa talaga ito para magmuka siyang mahirap at hindi “class” tulad ng mga taong nakapaligid kay TJ pero sana alagaan nila ang hinahangaan kong si Angel Locsin. Napansin ko ngang medyo tumaba siya pero maganda pa rin siya kung titignan ko. Pero dahil nga sa sakit at gumagaling maraming mga pupuna kay Angel at sad to say, maninira pa tungkol sa kanya. Pero bukod dito, masasabi kong maganda talaga ang palabas na “Only You”.
gusto ko talaga si angel. haha! (obvious ba?)
maganda siya at simple
i like her too!
maganda talaga ang ONLY YOU. galing ng cast.