Fan ako ni Angel Locsin pero hindi ko kailanman nagustuhan si Diether Ocampo at Sam Milby (kapag sumasayaw at kumakanta lang ako naaliw sa kanya
galing kaya nitong tumambling sa ASAP!!!) kaya ayokong pagka intiresan na panoorin ito. Isa itong remake ng Koreanobela na hindi ko rin napanood pero balita ko’y maganda raw talaga.
Archive for Hunyo 10th, 2009
Only You
Ipinaskil sa Telebisyon, minarkahan ABS-CBN, Channel 2, Angel Locsin, Sam Milby, Diether Ocampo, Only You, ABS, Koreanobela, Remake, Asianobela noong Hunyo 10, 2009 | 3 Puna »
Turon
Ipinaskil sa Pagkain, minarkahan turon, merienda, unibersidad, weight gain, nakakataba, asukal, lumpia wrapper noong Hunyo 10, 2009 | 2 Puna »
Sino ba ang hindi nakakakilala sa “Turon”? Ang turon ay isa sa mga paboritong merienda ng mga Pinoy. Ito ay piniritong saging na saba na nakabalot sa lumpia wrapper na may asukal sa loob at labas at kung ito ay espesyal, meron pang langka sa loob na nagbibigay ng mas malinamnam na lasa at kakaibang aroma. May kakaibang turon na rin na binubudburan ng sesame seeds na sumasama sa lasa ng asukal sa wrapper nito.
Knick Knacks Choco on Choco
Ipinaskil sa Pagkain, minarkahan chocolate, knick knacks, tsokolate, delfi, switzerland, doh, sangkap pinoy noong Hunyo 10, 2009 | 4 Puna »
Tempting talaga kumain ng Knick Knacks lalo na kapag medyo malamig-lamig ito. Tulad nga ng sabi ko, masarap ang chocolate na ginagamit sa pagawa ng pagkaing ito, kaya pala kase naman galing Switzerland ang manufacturer nito na kilala talaga sa paggawa ng masasarap na chocolate. Kaya lang parang matigas na ng unti ang biscuit na gigamit nila kase dati ang lasa ng biscuit sa loob ay parang “marie” (bilog na biscuit na kadalasang pinapakain sa mga batang patubo pa lang ang ipin), sobrang linamnam at malambot pagkinagat at ibang klase ang lasa pag nasa dila mo na. Pero sa kabuuan, okay pa rin ang Knick Knacks no.