Pagkalipas ng ilang araw ang wheel chair na hiningi ni Dette para sa kanyang anak na si Piolo ay dineliver mismo sa kanyang pinapasukan. Naka-day off noon si Dette kaya hindi mismo siya ang nakatanggap ng napakagandang regalo kaya nakiusap siya na kung maari ay personal na makapagpasalamat kay Julius Babao. Sa set ng TV Patrol pumunta si Dette kasama si Piolo. Parang si Julius pa raw ang nahihiya. Nandoon din si Karen Davila na aliw na aliw kay Piolo dahil sa kagwapuhan nito.
Archive for Hunyo 9th, 2009
Julius Babao
Ipinaskil sa Tao, minarkahan anak, Antonia Babao, Dette, ina, Julius Babao, Karen Davila, Piolo, Tin Tin Bersola, wheel chair noong Hunyo 9, 2009 | 2 Puna »
Sa halagang P138.00 makakakain ka na sa merienda all you can nila tuwing 3-6pm. Mga alas kwatro y medya pa lang kaya okay. Tinignan ko muna ang menu nila:
1. Ginataang Bilu-bilo – Ok naman, hindi ako mahilig pero mukhang masarap!
2. Dinuguan – Wow! Looking good!!!
3. Palabok – Nyek! Palabok na ‘di ko makakitaan ng sahog.
4. Lomi – Malapot at mabango ang amoy!
5. Lugaw – May mga tinadtad na manok akong nakikita, in fairness!!!
6. Tokwa – Tokwa na walang baboy!!! May swine flu kaya siguro hindi nila nilagyan ng baboy?
7. Turon, Kutsinta, Puto, Biko – Hindi ko gaano type pero okay na rin
8. Halu-halo – Halu-halo na ang halo ay saging, kamote, gulaman, sago na may arnibal at gatas