Smart ang line ko noong una akong nagka-cellphone. Kasama ang sim sa 3310 na pinabili ko sa Greenhills sa aking kuya. Maganda naman ang Smart, malinaw, maayos at mura na sa ngayon. Dati kase, P100.00 pa ang pinakamurang load pero since adik ako sa text, P300 ang binibili kong pre-paid card na tumatagal lang ng 1 linggo. Aba! Kalbaryo at tunay na sakripisyo un sa isang estudyante, tinitipid ko pa baon ko para lang sa prepaid card!

24-hour kang maghintay!!! 24 forever!!!
Pero nagpalit ako ng sim ng napansin ko na laging nauubusan ako ng load. Kwentado ko kase ang load ko eh. Economics ang course ko kaya analytical… Hahaha ulet! Napag-alaman ko na dahil iyon sa mga pinapadalang message ng Smart Communication na tinatangkilik ko naman so tumawag ako sa Customer Service para i-deactivate nila then, nagpadala sila ng mga message kung paano ko i-o-off ang mga feature na iyon. So that’s it! Pero after a week or two, ganon ulet ang nangyari parang hindi naman talaga na deactivate so I decided to buy a Globe sim card.
Maganda rin ang globe, malinaw, maayos at matipid na rin. Naaliw pa nga ako sa 10 cents per second nito na feature kaya masayang-masaya ako kaya hindi ko namamalayan, malaki rin pala ang nagagastos ko. P50.00 load ang kadalasan kong binibili. Kung hindi ako nagkakamali, ang P50.00 na e-load ay magagamit for a span of 5 days pero minsan wala pang 5 days, nawawala kaagad ang load ko. Ilang beses un nangyari pero hindi ko na lang pinapansin. Kapag nag load kase ako, nag-e-enrol ako sa Sulitxt 20. Sulit talaga un ha! Tapos bihira lang talaga ako nag tetext sa ibang network since may Chicka naman na libre ang text at lage naman akong nakaharap sa computer. Pero may time na nagpaload ako ng P10.00 na good for 24hrs (1 day). Isang beses pa lang akong nag text after loading aba kinabukasan ng umaga, “Check Operator” na ko! Asar na asar talaga ako dahil sobrang obvious nito! Tumawag ako sa Globe Customer Care. Kung anu-ano ang tinanong sakin, sabi ko, “di nyo ba nakikita jan o na-mo-monitor ung SIM number activity?” sabi naman nila, nakikita naman, sabi ko, “eh bakit, di nyo agad mabigay ang load eh obvious naman na ka-ka load ko lang kagabi at isa pa lang ang na text ko?”, sabi ng customer service representative, kailangan pa rin daw i-report at kapag hindi pa raw naibabalik ulet ang load after 24 hours, tumawag ulet sa hotline. Ayokong magtaray sa CCR kase alam ko namang, ginagawa lang nila kung anong sinabi sa kanila ng kompanya, kumbaga un ung standard procedure of the company. So, okay, I waited for 24 hours, walang load ang naibalik sa akin. Then tumawag ulet ako, aba paghihintayin ulet ako ng 24 hours? Para sa P9.00. Siyam na piso ay maliit kung titignan mo pero pano kung 1,000.00 kaming Globe subscribers ang nakunan ng load sa isang araw, eh di may P9,000.00 na sila which is hindi naman sa kanila kundi sa mga taong bumili ng produkto nila na hindi naman napakinabangan. Meron pa akong natatandaan, nag enrol ako sa Sulitxt 2o, I checked may balance, P22.00 pa. Noong nakatanggap na ako ng confirmation na activated na ang Sulitxt ko, aba nag-check operator ako. P20.00 lang Sulitxt at P1.00 lang ang balance requirement para ma-activate ang feature na to. Aba, kinain na naman ang load ko so kailangan ko pang magpaload ulet para magamit lang 100 text to globe at 10 text sa ibang network. Kinain ang Dos Pesos ko!!! Dos na nga lang, kukuhain pa. Aba, syempre nagreklamo ako pero ang sabi lang saking, maghintay ako ng 24 na oras at muli’t muli wala akong natanggap na dalawang pisong load mula sa kanila. Pero dahil pakiramdam ko, mas maganda at sosyal ang Globe, nagpatuloy pa rin ako hanggang sa paulit-ulit ng nangyari at paghintayin ulet ako at wala namang naibabalik na load.
Sana pala nalaman ko na pwedeng i-report yan sa NTC na ewan ko kung na-a-aksyunan. Kaya masaya ako at pinaiimbistigahan yan sa Senado dahil totoong nangangain ng load ang Globe Telecom. At kung titistigo ako sa Senado para patunayan yan, okay lang, nasakin pa ang mahiwagang SIM ng Globe at pwede rin nilang i-play ang reklamo ko kung may kopya pa sila dahil recorded naman lahat ng pag-uusap. Ang iniisip ko lang kase kung paano kung kailangang-kailangang mag-text o tumawag at nagkataong nakain ang load niya, paano kung nasa pananganib at ‘di magamit ang cellphone? Ang cellphone hindi lamang para sa pakikipag-kamustahan, isa rin itong bagay na pang-sagip buhay sa oras ng pangangailangan.
Sige po Senator Enrile, ipaglaban mo ang mga taong nabiktima ng ganyang pagnanakaw.
ganyan din ang nangyari sakin….magnanakaw talaga ng load ang globe.p0k1ing ina idemanda na yan! peace!
Hay nako sinabi mo pa!!!! Yung 100 load ko nakaka limang araw lang ata sakin e wala naman ako masyadong tinitxt! Asar tlga!!!! Mga magnanakaw!!!!!!
kung alam ko lang na pwede pa lang i report pala un sa ntc kaya lang alam mo ba, nung i report ko ung nanakaw na cp ko ang daming requirements ng ntc knowing na naka line ako, dapat pag ganun alam na nila na pag-aari mo talaga ang cp, pede naman nilang i-verify sa network provider ko. grabe, nanakawan ka na, patatagalin pa ang process!!! kasar talaga. i kwento ko ung experience ko with ntc minsan.