Wala na atang tatalo sa fried Shark’ s Fin with hot chili sauce ng Paotsin!!!

yummy!
Una kong natagpuan ang napakasarap na dimsum house na ito sa SM North Edsa malapit sa grocery food row. Aba mura lang pala! P43.00 lang may 4 pcs fried dimsum ka na at may rice na. Masarap ang rice nila na tinatawag na hainasee (di ko sure if the spelling is right) rice. Meron din silang lemak o garlic rice at seafood rice na mas mahal kumpara sa hainasee pero kahit ung pinakamura mag e-enjoy ka parin. Tulad nga ng sabi ko, Shark’s fin ang pinakamasarap para sa akin pero meron din silang iba’t ibang klase ng dimsum tulad ng beef, pork siomai, pork and shirmp siomai at kung anu-ano pang dumplings na pede i-serve ng fried o steamed. Ang pagkakatimpla sa mga dumplings nila ay close to perfection. Kung ayaw mong ng maanghang, pwede mo ring i-request na soy sauce lang ang ilagay sa styro food container mo. Then, perfect combination din ang masarap at malamig na buko pandan juice na hindi lasang may preservatives.
So far, maayos naman ang service nila. Mababait naman ang mga crew. Matagal lang pag marami talagang nakapila pero in fairness, hindi pa nila ako pinaghintay ng hanggang 48 years
Kung medjo maselan ka at ayaw mong kumain ng nakatayo at sa styro, hindi ka pwede rito pero kung nagtitipid at gusto ng satisfaction, go go go. Mostly kase sa mga supermarket food row matatagpuan ang Paotsin pero pede mo namang i-take out at pumunta ka sa food court para makaupo at mas comfortable. Meron pala silang dining area sa Robinson Place Manila branch na malapit din sa food court kaya lang hindi available ang hanaisee rice doon puro lemak at seafood lang. Siguro dahil na rin sa renta ng place kase nga naman malulugi sila kung P43.00 lang then minsan tatambay ang customer ng almost 1 hour.
Pero sulit talaga sa Paotsin at masarap pa!
Okay na sana. sana man lang criinedit yung source ng picture. anyway never mind…
ang mga litrato po dito ay galing sa google
Nung una Tropical Hut, ngayon Paotsin naman. Pwede na ‘to sa komersyal. Hehehe.
Pa-minsan-minsan napapakain rin ako dyan sa Paotsin sa SM Foodcourt Makati. Swak kasi sa budget kaya garantisado makakatipid ka sa sarap. At tanging sharkspin lang ang in-order ko dahil may seafood allergy ako sa crustacean dishes. Teka, di ba dapat mahal yang sharkspin? Sharkspin nga ba yung niluluto nila? (Galing sa pangil ng pating?)
Mahilig akong kumain kaya dapat isama na rin sa blog ang kinahihiligan ko
isa pa, masarap pag-usapan ang pagkain… ang shark’s fin o sharkspin ay mushroom ang pork… yan ang pagkakakaalam ko
Ang sarap naman nung picture…
yung shark’s fin ba gawa talaga sa shark?
aruy.. humihilab ang tyan ni jasonhamster….
pork and mushroom po pero siguro may unting extender like harina
… meron nito sa sm megamall, sm makati, MOA, sta. lucia at kung saan-saan pa. try mo!
Ahhhh.. sana meron din nyan d2 sa SM Manila… dito kasi ako sa intramuros eh.. haha
mukha ngang masarap kainin yan lalo na SPICY + TAG-ULAN
Wala n’yan sa SM Manila, pero Tropical Hut meron dun sa dulo malapit sa CR, SM Foodcourt Manila Branch. Hehehe. San ka sa Intramuros? Nag-bo-board ka dito? D’yan ako nag-aaral sa Intramuros, malapit sa pamantasang inaanay na.