
The Buzz
Maganda talaga ang programang “The Buzz”. Hindi naman ako ganon ka-chikadora at mahilig sa artista. Piling-pili lang talaga ang mga iniidolo ko pero nakakaaliw talaga ang programang ito. May “sense” kase ang mga sinasabi kumpara sa ibang shobiz talk show.
Tamang-tama ang timpla nina Boy Abunda, Kris Aquino at Ruffa Gutrtierrez. Honestly, although beauty queen tinagurian si Ruffa, hindi ko noon pansin ang beauty at talent niya pero ng nag-umpisang magsama si Kris at Ruffa sa ‘The Buzz”, naku talagang type na type ko na siya. I love the way she dress, she talks, she looks… everything… muka siyang diyosa… I just love the way she is lalo na pag si Annabel Rama ang guest nila. Hahaha!!! Si Kris Aquino naman, matagal ko na siyang gusto. I love her being a true person, maarte man siya o hindi sa paningin ng tao basta I like the way she is. Si Tito Boy naman, he is a very intelligent man. He is fair at talagang tumitingin siya sa magkabilang panig.
In short, “The Buzz” is something you can trust na fair at talagang may sense ang views ng mga host. Sasabihin nila talaga kung ano ang paniniwala nila kahit ano pa man ang paniniwala ng co-host nila. Halata mong nag-iisip ang mga tao at hindi lang nanloloko ng mga televiewers. Actually, hindi talaga sila nagpapaikot ng tao at nirerespeto nila ang kanilang mga guests. Marunong silang mag-entertain at hindi bara-bara ang pagtatanong nila.
Siguro, kailangan din nating purihin ang mga tao sa likod nito lalo na ang mga researchers at writers na buhos ang kanilang pagta-trabaho na lagi ngang binabanggit ni Kris Aquino para mapaganda at maisaayos ang programang talaga namang kinagigiliwan ko.
You are most welcome! Ms filipinako. That is my answer if you are sincere to your gratitude. You’re right about one thing -that I am an adult- but that’s it. But I disagree with you about “people can learn from the host of the program”. Are you kidding me? Seriously? Look, people learn from their own mistakes, and this gives them the chance to straighten whatever it is that needs to be fixed, not from other people. In fact, what are the qualifications of the hosts that you’re talking about anyways. How can young people learn from them? By talking taglish? By making up coined words para maging uso? I dont think that young adults would pattern their lives based on hosts of superficial shows like this. Besides, the hosts themselves are not the best role models in the world. Just look at their personal history. Get the effin real!!!!!Beside the fact that its not educational, its not even entertaining (annoying).
The only thing that people can do is to help themselves is by working hard, studying and getting a degree/ masters or whatever it is that needs to be done. People learn based on personal expiriences, family, and schools thats it, period. I am so sorry but you are dead wrong on this issue.
oo naman sincere ako. and i respect your opinion sir. as ive said hindi sa lahat ng pagkakataon natututo tayo sa iba (particularly sa host). pero kung hindi ka naniniwala na natuto rin tayo sa iba, ok lang. basta ako, naniniwala po ako na maari rin tayong matuto sa ibang tao- sa tama at magandang gawi ng iba maging sa mga mali at di magandang ugali nila. lahat tayo ay may mga pagkakamali sa buhay, lahat tayo ay may gusto at ayaw, may sariling opinyon at paniniwala kailangan lang nating lawakan ang ating isipan upang gawin itong kapakipakinabang.. hindi natin kailangan tignan lang ang tao sa kanilang ginagawa o sinasabi lamang dahil kung minsan nahihirapan na tayong tignan ang totoo nilang pagkatao at naitutulong sa lipunan. para rin sa akin hindi mo kailangan maging pinakamaganda at mabuting ehemplo sa mundo upang makatulong at maging mabuting tao.
atsaka sir, kung hindi tayo pwedeng matuto sa iba, bakit kailangan isulat ang history? bakit may history? bakit ito pinag-aaralan? hindi ba nag po progress ang mundo dahil na rin sa kasaysayan? hindi man parati o sa ikakaganda ng lipunan ngunit nakakatulong pa rin ang kasaysayan.
pero i should say that i like your explanation pero sad to say, may iba tayong pinaniniwalaan at sa aking palagay walang mali sa atin o tama, magkaiba lang talaga tayo sa paniniwala.
This show is full of shit! Definitely not a good TV program for kids.
Yes, The Buzz is not a kid show. You should remind your child not to watch it. But, we, as adult, we should admit that sometimes we can learn from the hosts of the program. Hindi man sa lahat ng pagkakataon pero ang buhay ng ibang tao ay nakakatulong sa atin para makita ang ating sarili at makapagbago, kung hindi man, makita sa ibang tao ang kanilang mga mali at wag na itong tuluran at iwasto na ang ating buhay.
Salamat sa iyong puna Mr. Walter!
Ang sa akin lang: May pagka-pormal at pag-galang ang “The Buzz” kaysa sa katapat at kalaban nitong programang “Startalk” sa channel 7. Kumbaga ang “The Buzz” isang showbiz magazine, ang “Startalk” isang tabloid. Hehehe. “BASTOS kasi si Joey de Leon dun e.”.
Kaya naman “hit” ang “The Buzz” sa TV kaysa dun sa programa sa kabilang estasyon.
(Hindi ko madalas na sinusubaybayan ang mga ganitong programa, paminsan-minsan nakapanonood ako dahil paborito ito sa amin ng mga matatanda; kaya nga ako nakakapanood.)
hi again! di ka nga nanonood gano kase ang katapat ng “The Buzz” eh “Shobiz Central” which for me better pa rin ang sa Dos. Every Saturday ang “Startalk” na hindi ko rin suportado. Oo kadalasan, nababastosan ako sa mga binibitiwan nilang salita at parang bara-bara ang kanilang reporting. Pati ung isang lalake na medjo bading (‘di ko siya kilala), alam ko shobiz writer un na magaling (daw) ay nakaka boring panoorin.
maganda talaga ang casting at crew ng “The Buzz”!!!
^ Si Butch Francisco ‘ata yun. Yung dating katambal ni Christy Fermin sa “Showbiz Lingo” sa channel 2 dati.