Napakadaling sabihin kung ano ang nationality mo. Oo, Filipino/a ako at Pilipinas ang bansa ko pero gaano kadaling ipagmalaki ang pagiging Filipino mo?
Paano nga ba masasabi na Filipino ang isang tao? Kung ang ang mga magulang mo o isa man sa kanila ay Filipino? Kung isa sa mga ninuno mo ay Filipino? Oo, isa ka ngang Filipino kung may dugo kang Pinoy, hindi kinakailangang sa bansang Pilipinas ka nakatira o pinanganak, hindi rin bale kung di ka bihasa sa Tagalog, basta kung ang lolo ng lolo mo ay Pinoy, Pinoy ka pa rin. Yan ang tunay na Filipino, lahat kamag-anak. Hehehe! Siguro nasa dugo na natin un, na kahit isang guhit o 1/4 na lang ang pagiging Pinoy eh Pinoy pa rin lalo na kapag sumisikat sa ibang bansa sa iba’t ibang larangan lalo sa Hollywood.
Pero bakit ganon, lagi nating sinasabi na Proud tayo bilang isang Pinoy pero bakit lahat gustong mag-abroad. Marami ang nagnanais magpaputi ng balat, nais magkaroon ng blonde na buhok o blue-green eyes. May mga Pinoy din gustung-gustong makapangasawa ng puti. Maraming nagkukumahaog na matuto ng Brittish accent, nais maging bihasa sa Japanese, Korean at French o German na lingwahe gayung ang ang mga taga-Pangasinan ay hindi marunong mag Bisaya o Bicolano. Marami sa atin ang gusto ay may tatak “imported” ang mga gamit. Mas pinipili ng karamihan ang Hollywood movies kesa pelikulang Tagalog na minsa pa’y sinasabing “cheap”. Bakit mas mataas ang ratings ng Sex in the City kesa sa May Bukas Pa? Bakit mas marami ang kumakain ng burger at fries kaysa dinuguan at pinakbet? Proud ka nga ba?
Nakakalungkot isipin na napakadaling sabihing “Pinoy Ako” pero banyaga pa rin ang nasa isip natin. Sabagay, bakit mo ba masisi ang karamihan, kilala ang ating bansa sa larangan ng korupsyon, prostitusyon, krimen, polusyon, kahirapan at kawalan ng ikabubuhay at kung anu-ano pa. Pero sino ba ang dapat sisihin? Tayo din. Bahagi ka ng dilemang ito. Wala kang takas sapagkat ikaw ay Pinoy.
Ano ang dapat gawin? Sarili ang tanungin. Kaya nga ba natin ito? Isabuhay natin ang pagiging “Proud to be Pinoy”.
Maraming gustong mag-work abroad sanhi ng kahirapan. Hindi mo masisisi ang mga OFW na yan, sawa na yang mga iyan sa Pilipinas. Ano nga ba mapapala nila dito sa kararampot na sweldo? Kahit mag-kayod kabayo sila sa bansa natin, kawawa kasi kinukorakot lang naman ng Gobyerno ang TAX.
Marami ang nagnanais magpaputi dahil maraming mapang-husga.
May nag-nanais maging blonde ang hair nila o mag-contact lens ng makulay dahil “fad” ito at balang araw namamatay rin.
Iilang mga Pinay na mapupuna sa bansa pangarap mag-asawa ng foreigner, ang tunay na intensyon kung bakit – pag-iwas sa kahirapan (silang mga foreigner raw ang bubuhay sa kanila) at di hamak na gwapo raw ang mga foreigner kaysa sa Pinoy.
Hindi naman porket di mo tinatangkilik ang sariling atin di ka na proudly pinoy. Oo, di hamak nga talaga na mas maganda ang Hollywood film kaysa sa Pinoy film. Pero ang mga Pinoy na nag-sasabing “cheap” ang mga Pelikulang Pinoy ay di naman talaga katanggap-tanggap. Walang appreciation ang mga taong ganun sa sining, basehan lamang nila ang kalidad ng effects sa pelikula at hindi ang laman ng kwentong ito.
Tungkol sa korapsyon, sa tingin ko naging parte na ito ng kulturang Pinoy na hindi katanggap-tanggap, mahirap na itong tanggalin.
Ganoon ang buhay sa Pilipinas, wala na tayong magagawa pa.
Kung isasabuhay ko man yang pariralang “Proudly Pinoy”, e sa tingin ko tatanggalin ko na lang yan sa talaan ng parirala ko. May bahid na kasi e. Proudly lamang ako na nabubuhay ako sa mundo. Proudly ako sa wika natin, parte iyon ng pagiging Pinoy. Pero ang buong-buong pagka-Pinoy hindi ko matatanggap. . . San ba nag-mula yang pariralang iyan? May naririnig ba tayo sa ibang bansa na proud sila sa kanilang nasyonalidad? Meron bang Proudly Blacks, Proudly Cubans, Proudly Indians, Proudly Chinese?
Nabuo ba yang pariralang Proud to be Pinoy dahil masyadong konserbatibo ang mga taong bumuo ng pariralang ito? Pansin ko lang, kapag tayo nakukutya ng mga ibang banyaga tulad ng Hapon, Kano, Intsik o kung sino pa mang banyaga iyan, grabe maapektuhan ang karamihang Pinoy. . .
Huli: Sa tingin ko masasabi kong Proudly Asian na lang ako at hindi Proudly Pinoy since minana naman natin ang ibang kultura natin sa iba’t-ibang Asyanong bansa di ba?
Oo tama ka, pano nga naman bang gaganahan ang mga Pilipinong mag-stay sa Pilipinas kung gutom lang ang binibigay nito sa ating pamilya pero kung walang tatangkilik sa Pilipino… sa Pilipinas… sa ating bayan at producto, paano na tayo? Naniniwala ako na tayo pa rin ang sasalba sa ating bayang lugmok na sa kahirapan at karungisan dahil tayu-tayo rin ang may gawa nito. Pero hindi talaga ako nawawalan ng pag-asa na aahon pa rin ang bayang aking sinilangan.
patungkol naman sa sinabi mong pangungutya, oo masakit pakinggan pero para rin sa akin di rin tayo dapat mag-react ng OA lalo na ang mga pulitikong sumasawsaw sa issue lalo na’t makikita ang mukha nila sa telebisyon at pahayagan kase tayo rin naman, kung susumahin mo, marami sa palabas natin ang higit pa sa sinasabi ng mga ibang lahi. Isa pa, iyon kasi ang pinapakita at nakikita nila sa ating bayan. Masakit mang tanggapin ngunit lahat tayo ay nadadamay. Popular lang masyado ang mga programang ito kaya mas nabibigyan ng puna. Pero case-to-case basis din ang pananaw ko sa isyung to. Kung paano o saan sinabi.