Isa akong Filipina na nakatira sa Pilipinas
Mayroon akong mabuting asawa at napakagandang anak.
Mahal ko ang pamilya ko at gegerahin ko ang aapi sa kanila.
Hindi ako perpekto pero isa akong malaya.
Marunong sa buhay.
Nadadapa ngunit marunong tumayo.
Mababaw ang luha pero alam kong matapang ako.
Nabubulol pero marunong magsalita at magaling mangatwiran.
Mayaman sa kaibigan at di sa pera.
Hindi din ako konsintidor.
Ayoko sa taong tamad at mayabang
Ayoko rin sa walang pagpapahalaga sa mga tao at sa paligid.
Hindi ko rin gusto ang taong mapanglait o mapanghusga.
Mahilig sa photography pero walang sariling camera.
Nag di-diet pero puro tsokolate at sorbetes ang laman ng sikmura.
Makaluma pero isang modernang Filipina.
Simple lang ako pero ako’y kakaiba!!!
good pm.nagandahan ako sa poem na eto kaya post ko siya sa face book ko.ok lang ba?tenk u!
magandang umaga ms. jeanny!
salamat po at nagustuhan ninyo ang aking likha. karangalan kong ilathala nyo ito sa inyong facebook account. maraming salamat ulet!!!
God bless you!
tried to translate your site through Google Translator. See http://translate.google.com/translate?js=y&prev=_t&hl=en&ie=UTF-8&u=http://filipinaako.wordpress.com/&sl=tl&tl=en&history_state0=
nais kong mabasa mo ang new post ko na pamagat SANA kasi napublish iyon sa diaryo at http://www.arvin95.blogspot.com
hi..salamat sa paminsan-minsan na pagbisita mo sa blog ko..abangan mo ang PINAGTIBAY NG PANAHON..second week ay ipost ko iyon..iyon na siguro ang pinakamaganda kong sinulat sa 138 ko ng post na kuwento …poems…at tula ..abangan mo..
hi..may 2 new post ako..sana mabasa mo lalo ang pamagat na Happy Birthday kasi maaantig ang damdamin mo..sa http://www.arvin95.blogspot.com
okies
aba, isa ka rin palang makata. ^^
sana nga…
Sa Ating Pagtanda
Nagumpisa tayo ng hindi alam kung saan pupunta;
Nagumpisa tayo ng hindi natin kilala ang isat-isa;
Nagumpisa tayo ng pasulyap sulyap, at kuntento na sa konting usap;
Hangang sa nagumpisa tayong maging magkaibigan;
Tanda ko pa noon, pareho tayong nagkakahiyaan;
Hangang sa nagumpisa tayong mapalagay ang loob sa isat-isa;
Hanggang sa nahulog ang loob natin sa isat-isa;
Nagumpisa tayong maging magkaíbigan;
Nagumpisa tayong matutong magmahalan;
Nagumpisa tayong magkasakitan;
Nagumpisa tayong matutong magpatawaran;
Nagumpisa tayong mamuhay ng tayo lang;
Hangang sa umabot ako sa paghingi ng iyong kamay;
Hangang sa umabot tayo sa sumpaang walang iwanan;
Hangang sa umabot tayo sa sumpaang, walang ikaw at
ako ang tanging meron ay TAYO;
Hangang sa umabot tayo sa pagkatuto sa aral ng buhay;
Hangang sa umabot tayong ikaw at ako’y panghabang buhay;
Hangang sa umabot tayo sa araw na ito;
Hangang sa sandaling sinabi mong OO sayo lang ako;
Hangang sa umabot ako na inaaminin ko sa boung mundo na ikaw lang ang aking mahal,
minamahal at mamahalin buong buhay ko;
Hangang sa mga sandaling ito, ang pagmamahal ko sayo ay di nagbabago.
Sa ating pagtanda mula pa nung-umpisa hangang sa kahihinatnan, ikaw lang walang iba;
Sa ating pagtanda, mula nung tayo ay nag kakilala sa tuwing nakikita kita, saya sa aking puso ang iyong dala;
Sa ating pagtanda hinding hindi kita sasaktan at aalagan kita ng gaya nung umpisa;
Sa ating pagtanda pagkalimot na ang mamamahay sa aking isipan ngunit larawan mo sa aking puso mananatili kaylan pa man.
Sa ating pagtanda ikaw ako at ang ating prinsesa mabubuhay ng masaya,
sa gabay ng Diyos at sa pagmamahalan nating dalawa yayabong at tatandang
magkasama.
Mahal na Mahal po kita.
-Francis
Mahal na mahal din po kita baba…
hi..salamat sa pag bisita mo sa blog ko..sana nag enjoy ka sa pag basa sa mga sinulat ko..kumusta ka naman diyan..sana makaibigan kita..ano ang frndster account mo..sana makatext rin kita..
wow ganda naman ng tula ng pappakilala mo.
at pareho tayo mahilig din ako sa tsokolate at sorbetes.
gusto ko ang mga linyang ito…
“Hindi ako perpekto pero isa akong malaya.
Marunong sa buhay.
Nadadapa ngunit marunong tumayo.
Mababaw ang luha pero alam kong matapang ako. “
salamat po…